Advertisers

Advertisers

Mag-isang taon na kasing GCQ…METRO MAYORS, GOVERNORS ‘OK’ NA SA MGCQ!

0 225

Advertisers

PABOR ang siyam sa labing pitong Metro mayors na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang buong bansa.
Sinabi ni Mayor Toby Tiangco, siyam sa mga Metro Manila mayors ang sumang-ayon para sa MGCQ, habang walo naman ang bumoto na isailalim muna ito sa GCQ.
Nakatakdang isumite ang resulta ng naturang botohan sa Inter-Agency Task Force na maglalatag naman ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, sang-ayon ang League of Provinces of the Philippines (LPP) sa mungkahing pagsasailalim na sa buong bansa sa modified general community quarantine (MGCQ) sa buwan ng Marso.
Ayon kay LPP president at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., handa naman daw ang lahat ng mga lalawigan para sa MGCQ lalo pa’t nakikita nila ang kagustuhan ng pamahalaan na pagalawin ang ekonomiya.
Subalit sinabi ni Velasco, ang kondisyon lamang ay manatili dapat sa local government units ang lockdown power upang agad na makontrol ang posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Mungkahi pa ng gobernador, dapat buksan na ang iba pang mga negosyo, partikular na sa sektor ng transportasyon at mga provincial buses na mapayagan nang muling bumiyahe.
Matatandaang iminungkahi ng National Economic Development Authority na isailalim na ang buong bansa sa MGCQ sa Marso upang mabalanse ang pagtugon ng gobyerno sa health crisis at ang pangangailangan ng mga mamamayan na kumita at gumastos.
Pero inilahad ni Dr. Guido David ng OCTA Research Team, posibleng maging dehado ang pamahalaan kung ilalagay nila ang buong Pilipinas sa pinakamaluwag na community quarantine. (Jonah Mallari)