Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA Alone Together na pelikula ng sweethearts na sina Liza Soberano at Enrique Gil, inamin nila na nag-level up na sila.
Marami na ring hit projects ang LizQuen kaya naman excited na ang kanilang followers na makita sila ulit sa iisang project.
Bukod sa sinubaybayan ng kanilang followers ang LizQuen sa mga project nila, gayundin ang kanilang relasyon.
Maraming bumilib sa six years na relationship ng dalawa.
Kaya may nakapagtanong kung ano raw ang sekreto at nagtagal ang dalawa.
Maihahalintulad nga raw ang relasyon ng LizQuen sa KathNiel na matatag.
Respeto, yan ang sabi ng couple nang sila’y makapanayam sa secret ng kanilang love story.
Samantala, ibinulgar ng magkasimtahan na dream nila na makagawa ng zombie film na malaking challenge raw sa kanila lalo na’t babu na sila sa pa-tweetums.
***
SAY ng mister ni Dimples Romana ay panauhin si Julia Montes na kilalang malapit sa mag-asawa.
Sa pagsalang nga ni Julia, ang mister ni Dimples na si Boyet ang nagtanong gamit ang lie detector kung true ang mga sasabihin ng aktres.
Sa mga tanong na ano ang type niyang suot na damit ng lalake– sando o leather jacket, matangkad o sakto, mestiso o moreno, inglisero o makata at huling tanong, taga-Maynila o Probinsiyano.
Leather jacket, sakto, moreno, makata at probinsiyano ang mga sagot ng aktres pero tila ‘di sang ayon ang lie detector at tutol.
Kahit obvious na si Coco Martin ang tinutukoy nito sa kanyang sagot, sumablay si Julia sa mga tanong gamit ang lie detector. Till now ay palaisipan pa rin sa mga netizen kung sila nga ba talaga dahil kapwa tahimik ang dalawa.
Paano naman kaya idedenay nina Coco at Julia na sila ay naispatan sa bertdey ni John Prats.
Taka naman ang netizens kung bakit ayaw pang umamin sa real score ng status ng kanilang relasyon samantalang maugong na sila naman talaga. Well, well, well…’Yun na!