Advertisers

Advertisers

EX-COUNCILOR PATAY SA AMBUSH!

0 229

Advertisers

DEAD on the spot ang dating municipal councilor nang tambangan Miyer-kules ng gabi sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Kagui Said Karim, 64 anyos, may asawa at dating konsehal ng Talitay, Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director, Colonel Donald Madamba, nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang restaurant sa Barangay Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat, nang pagbabarilin ito.
Agad tumakas ang salarin na sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa gilid ng national highway.
Nagtamo ng apat na tama ng bala ang biktima sa kanyang katawan kaya agad binawian ng buhay.
Personal na alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pa-mamaril .
Nagsasagawa pa ng im-bestigasyon ang pulisya.