Advertisers
ARESTADO ang isang 13-anyos na lalaki na sinasabing bigtime drug-seller sa Tarlac.
Sa ikinasang drug buy bust operation ng PDEA sa bahagi ng Concepcion-Capas Road, Barangay Datung, Concepcion, Tarlac, naaresto ang 51-anyos na si Luciano Tumaque alias Onyok na taga- Cavite.
Kasama ni Tumaque ang binatilyo sa pakikipagtransaksyon sa droga.
Ang binatilyo ay nasa pangangalaga na ngayon ng local social workers.
Nakuha kay Tumaque ang isang plastic bag na naglalaman ng 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.
Sinabi ni PDEA 3 Dir. Christian Frivaldo, nagbebenta ng droga si Tumaque sa Tarlac at ilang bayan ng Pampanga.