Advertisers

Advertisers

MAYOR MALAPITAN SINAMPAHAN NG CYBER LIBEL ANG 5 KONSEHAL NG CALOOCAN

0 306

Advertisers

NAGHAIN si Caloocan City Mayor “Oca” Malapitan ng kasong Cyber libel sa limang miyembro ng Caloocan City Council dahil sa paulit-ulit na malisyosong pagkutya ng mga ito sa proyekto ng pamahalaang lungsod tungkol sa digital tablet para sa mga pampublikong mag-aaral ng Grade 9-12 ng siyudad.
Isinampa ni Malapitan ang reklamo sa Caloocan City Prosecutor’s Office upang korte na mismo ang mag-desisyon kung may katotohanan ba sa ‘fake news’ na ikinakalat ng mga konsehal na sina Rose Mercado, Carding Bagus, Alex Mangasar, Alou Nubla at PJ Malonzo na lumabas sa mga social media account.
“Kung ako lamang ang sinisiraan ng aking mga kalaban sa pulitika ay maliit na bagay iyan. Sanay na tayo sa mapanirang puri ng mga kalaban sa pulitika. Ngunit, ang malisyosong sirain ang isang makabuluhang proyekto ng siyudad para makatulong sa edukasyon at pag-aaral ng mga batang taga-Caloocan sa panahon ng pandemya ay hinding hindi ko papayagan,” pahayag ng alkalde.
“Ang programang pamamahagi ng digital tablets ay sumailalim sa masusing ‘bidding’ at ating tiniyak na tama at maayos ang lahat ng digital tablets na binili ng pamahalaang panglungsod ng Caloocan,” paliwanag pa ni Malapitan.
Kampante ang alkalde na madali niyang mapapatunayan sa korte na maayos at malinaw ang naging proseso sa pagkuha ng tablets kontra sa alegasyon ng mga konsehal.
Nag-ugat ang isyu nang maglabas ng video sa social media ang limang konsehal, kungsaan pinalalabas nila na mas mababang klase ang binili ng Pamahalaang Lungsod na 4G at LTE capable tablets kumpara sa isang model na 3G capable digital tablet lang, na ayon sa kanila ay siyang dapat binili para sa mga mag-aaral ng lungsod.
“Tayo ay nagsampa na ng habla laban sa mga indibidwal na walang awang ginagamit ang panahon ng pandemya para sa political mileage. Korte na ang huhusga at magpapataw ng hustisya,” diin ni Malapitan.