Kasama pa ang anak kay Lloydie… Derek ipinost sa socmed ang V-dinner date kay Ellen; Ruffa humingi ng prayers nang maaksidente
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MARAMING netizens ang nahihiwagaan kung bakit nadadalas si Ellen Adarna sa bahay ni Derek Ramsay.
Dati na itong naispatan nun sa bahay ni Derek para sa New Year Party.
At ito namang Valentine’s Day ay muling nakita sa socmed ng guwapong aktor na nakiki-dinner si Ellen.
Mismo naman nung Araw ng mga Puso ay nandun si Ellen para sa dinner ng pamilya ni Derek.
Ang ikinaloka pa ng netizens ay si Derek pa ang nag-upload ng picture na kasama si Ellen at anak na si Elias sa bahay mismo ng aktor.
Umarkila pa nga raw ng chef si Derek para sa pa-dinner na yun with Ellen. Kaya naman palaisipan sa netizens kung ano nga ba ang namamagitan kina Ellen at Derek sa pagdalas nito sa bahay ng aktor.
***
HUMINGI ng mataimtim na dasal si Ruffa Gutierrez sa lahat para sa agaran niyang paggaling.
Ang kuwento, nagkaroon daw ng muscle strain si Ruffa kaya ganun na lang iniinda nito ang kanyang lower back.
Pinilit kasi nitong itulak ang isang mesa na limang lalake ang kayang mag-urong. Kaya naman ng-suffer talaga si Ruffa nang sumakit ang likod niya.
Dahilan nga raw ito para ma-bedridden ang aktres at ‘di na muna makaraket. Sa kabila nun, nagpasalamat si Ruffa sa mga nanalangin ng agaran nitong paggaling.
Well, well, well… ‘Yun na!