Advertisers

Advertisers

Alex Gonzaga bagong brand ambassador ng Villarica, Pinarangalang ‘Youtube Superstar’

0 586

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

YES, kinabog lahat ni Alex Gonzaga ang mga kapwa celebrity na sikat sa Youtube dahil sa kanya iginawad ang award na “Youtube Superstar” ng isang award- giving body sa digital platform.

Well, may karapatan naman at deserve ni Alex ang nasabing parangal dahil as of presstime maliban sa over 9 million na ang subscribes, sa loob lang ng isang araw ay million ang inaani nitong views sa mga episode ng vlog na kanyang ina-upload. Totoo ka, hindi pinagsasawaan ng kanyang mga follower si Alex dahil maliban sa pagiging kikay ay very entertaining ang kanyang vlog na walang dull moment especially kapag ang topic ay about her family and her hubby na si Lipa Councilor Mikee Morada na pinakasalan niya last November.



Patok din ang chikahan nito with Mikee, her ate Toni and Direk Paul Soriano na “Never Have! Ever Couple Edition” na 6 days pa lang inapload ay humamig na agad ng 5.7 million views and it’s still counting. Pagdating naman sa endorsements, kahit pandemya ay hindi nababakante si Alex at siya ngayon ang brand Ambassador ng ilang dekada nang popular na Villarica Pawnshop. Sa kanyang photo shoot para sa Villarica ay kinaaliwan si Alex at bagay siyang endorser nito na tiyak na tatangkilikin ng kanyang fans and supporters sa buong mundo kabilang na ang mga OFW na madalas magpadala ng pera para sa kanilang pamilya via Villarica. Happy raw ang mga taga- Villarica at nakuha nilang endorser si Alex, kwento ni Ms. Katie ng Lilt Digital.

***

JC Garcia, Inalok Para Mag-Host Ng Sariling TV Show Sa CTV-31 Na Live mapapanood mula Daly City, California.

Kung karapatan lang din naman ang pag-uusapan ay may “K” ang Fil-Am Recording Artist-Dancer na si JC Garcia, na maging TV host. Yes bukod sa multi-talended ay nakapag-anchor na rin si JC sa sariling internet show sa Fil-Am Radio USA at maganda ang naging feedback nito sa listeners.

At nang mapanood naman si JC ng concert producer from Chicago na nagdadala ng mga sikat na Pinoy artist sa abroad gaya nina Regine Velasquez, Gary Valenciano, etc. ay agad siyang inalok nito na magkaroon ng solo niyang show sa Daly City, California na kanilang ipapalabas ng Live dito sa Pinas sa CTV-31. May mga programa na sila dito sa Pinas, at inaantay na lang nila ay ‘yung kay JC na ang timeslot ay 9:00 PM sa California at 1:00 PM naman eere ng live sa channel 31.



Si JC ang  magpo-produce ng sarili niyang segment at bahala na ang producer sa marketing o yung pagbebenta ng commercials. Super flattered ang nasabing recording artist-dancer na based sa South San Francisco na bakit sa dinami-rami raw ng pwedeng kuning host ay siya nga ang naging choice ng said producer.

Kasi raw pala bumilib ito sa kanyang singing voice na pang international ang dating at napapanood ang lahat ng  uploaded niyang covers sa Smule, na may upload ito na ka-duet naman niya ang ilang kilalang foreign singers tulad ni Charlie Puth.