Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MAGTATAPOS na this Friday ang top rating teleseryeng Prima Donnas ng GMA-7.
Base sa February 15 post ni Aiko Melendez, isa sa star ng naturang TV series ng Kapuso Network, nagpapasalamat siya sa patuloy na mataas na rating ng kanilang serye.
Post ng aktres: Few days before we end Primadonnas and this is such a great gift from our viewers! Salamat mga Kapuso Ending this week with the highest ratings so far! Salamat Po Lord.
Ang tinutukoy ng premyadong aktres ay ang record breaking na natamong rating nang magtatapos na TV series nila.
Tugon niya sa message namin sa kanya sa FB, “Yes po kuya Nonie, siya po all time highest po.”
Saad pa ni Ms. Aiko, “We all feel so blessed po! God is just so amazing! All our hard work paid off po.”
Ano ang reaction niya sa good news na ito?
Esplika pa ng Kapuso actress, “Masaya po ako, sobra! Kasi, dalawang soap opera ko na magkasunod po, laging mataas ang ratings. Una po ang Wildflower, tapos eto pong Prima Donnas.”
Ang ang masasabi niya sa pag-aalaga sa kanya ng Kapuso network?
“Super thankful ako sa GMA-7 sa pagbibigay ng opportunity sa akin na makapag-work under them. After all, sa GMA po ako nagsimula via Bubble Gang na tumagal din nang matagal talaga.”
Aniya pa, “Sana matuloy na iyong inaasam ko na network contract, praying for it at inaayos na ni Kuya Arnold (Vegafria) po, sana maging maayos ang lahat po.”
May bago ba siyang show sa GMA7? Matatapos na ba ang contract niya rito?
Tugon ni Ms. Aiko, “Yes po tapos na, Prima Donnas ang last contract ko po.
“Ang next na gagawin ko po is iyong mini-series na I Can See You ang title po, with Miguel Tanfeflix, directed by Dom Zapanta po.”