Advertisers

Advertisers

Wala lang…

0 890

Advertisers

TINAWAG siyang taksil, traydor, Makapili, tuta ng China, at iba pa, ngunit hind natitinag si Rodrigo Duterte. Hindi nasasaktan. Hindi siya tinatablan ng hiya. Wala lang … Nakakatuya pagmasdan ang hilatsa ng mukha. Tipong nais mapasalamat sa tumawag.

Proud pa siya. Mukhang nagmamalaki.

Teka, nang tawagin ni Bise Presidente Leni Robredo na “pangingikil” ang paghingi ni Duterte ng salapi mula sa Estados Unidos, pumasok si Albert del Rosario, dating kalihm ng DFA, at nagpahayag na isang malaking kalokohan ang “no-pay, no-VFA” na paninindigan ni Duterte. Ayon kay del Rosario, hindi sang-ayon ang mga makabayang sundalo at mamamayan ang paninindigan ni Duterte.



Binaligtad ni del Rosario si Duterte at sinabi na malaki ang utang sa Filipinas ng China, ang bansang sinasamba ni Duterte. Mahigit ?230 bilyon ang halaga ng yamang dagat na sinira ng China sa West Philippine Sea. “Kailan siningil ni Duterte ang China?” ani del Rosario. Hindi biro ang halaga na ibinigay ni del Rosario.

Kay Joe America, ang pinipitagang Amerikanong netizen at tagamasid na may asawang Pinay at naninirahan dito sa bansa, nahahalata niya na mukhang utos ng China kay Duterte ang paninindigan na kontrahin ang Estados Unidos. Nais ng China na hubaran ang mga Amerikano at lunurin sa tubig dito, aniya. Sunod-sunuran si Duterte sa bawat nais ng China. Hawak siya sa leeg, aniya.

Dahil ginamit ng Bise Presidente ang salitang “pangingikil,” hindi pinatawad ng pipitsugin na si Harry Roque ang pagkakataon at nagpahayag na wala siyang nakikitang mali sa paghingi ni Duterte ng $16 bilyon sa Estados Unidos kapalit ang pananatili ng VFA. Ito ang halagang natanggap ng Pakistan, kahit hindi niya sinabi ang pinagmulan ng halaga.

Mukhang hindi alam ni Roque ang kanyang sinasabi. Nakakuha ang Pakistan ng ganyang kalaking halaga dahil sa lokasyon ng Pakistan sa mapa ng mundo lalo na noong nang hinarap ng Estados Unidos ang magkakasamang Al Qaeda, ISIS, at Taliban na armado at malaki ang banta sa pandaidigang seguridad. Ibinigay ito ng Estados Unidos mula 2001 hanggang 2012. Mukhang hindi naiintindihan ng limitado utak ni Roque and konteksto ng tulong.

Hindi alam ni Roque ang totoong nangyari sa panig ng Filipinas. Ayon sa kanya, nakatanggap lamang ang Filipinas ng $3 bilyon mula sa mga Amerikano.Iwinasto siya ng U.S. Embassy sa Maynila at sinabing $4.5 bilyon ang nakuha ng Filipinas sa tulong kabuhayan at panlipunan. Mas malaki at lampas $1 bilyon sa natanggap ng Pakistan. Kung bakit mahilig pumasok si Harry Roque sa mga usapin hindi niya alam ay isang bagay na hindi maipaliwanag.



Mas malaking hamon panseguridad ang hinarap ng Pakistan kesa Filipinas na walang Al Qaeda, ISI, at Taliban, ayon sa U.S. Embassy na tumugon sa iresponsableng pahayag ni Harry Roque. Kahit na nagbigay ng malaking tulong ang Estados Unidos sa Pakistan sa Gitnang Silangan, malaki rin ang naibigay ng Estados Unidos sa Filipinas sa Silangang Asya. Isa itong bagay na hindi nauunawaan ni Harry Roque.

Lingid sa kaalaman ni Roque, malaki ang tulong ng Estados Unidos sa Egypt at Israel at tumatanggap sila ng tig- $1 bilyon kada taon subalit pinakamalaki ang sa Filipinas sa Asya Pacific. Hindi tumatanggap ng tulong ang Japan at South Korea sapagkat maunlad na sila. Ito ang kanilang paraan upang makihati sa gastos sa seguridad sa Silangang Asya. Hindi rin nanghihingi ang Germany sa seguridad ng Europa. Hindi namin alam kung alam ni Harry Roque na ang bahagi ng South China Sea ang kahinaan ng China dahil nandiyan ang maraming pabrika at industriya ng China.

Hindi namin alam kung alam ni Harry Roque na kasama ang Japan, South Koreas, Alemanya at iba pa sa pagpapatatag ng katahimikan sa mundo. Mahina ang ulo ni Harry Roque. Hindi niya kaya na maunawaan ang masalimuot na usapin ng katatagan sa mundo.

Sabi ng isang iginalang na mamamahayag at netizen: “Bakit naman manghihingi pa ng bayad si Duterte? ‘Di ba sabi niya shared responsibility. Hindi nga tayo nakaka-share ng responsibility in maintaining the security and stability sa region na ginagawa ng Japan at Australia. Hindi nga extortion ito, ano tawag dun? “

***

PERO nasasaktan si Rodrigo Duterte kapag binabatikos at tinatatawag na mangingikil sa paghingi ng ayuda sa Estados Unidos. Nang makita niya na wala nang iuulat dahil hindi naman ginagawa ng kanyang mga ayudante ang kanilang tungkulin sa paglalatag ng isang programa sa bakuna sa bansa, biglang lumipat ang kanyang galit kay Bise Presidente Leni Robredo. Maraming sinabi at hindi namin maaalis na pagtawanan siya sahil sa kanyang sobrang kamangmangan at kayabangan.

Hindi naiintindihan ni Leni Robredo ang Saligang Batas, aniya sapagkat ayon sa kaniya tanging ang Presidente ang magsalita sa foreign policy. Totoo na ang pangulo ang may kapangyarihan sa foreign policy. Ngunit kasama ang maraming sektor sa pagtalakay ng foreign policy. Nandiyan ang mga mambabatas, pulitiko, academiko, policy think tanks, at ordinaryong mamamayan. Lahat sila may karapatang sumali sa pagtalakay ng foreign policy.

Kaya kasama ang Pangalawang Pangulo. May tinig siya sa paggawa ng foreign policy. Hindi puedeng iwan ang usapin sa taong hindi malinaw mag-isip at may diperensiya sa utak. Hindi monopolyo ni Duterte ang foreign policy. Mangmang siya sa usapin na ito.

***

SA pagbubunganga ni Duterte sa Bise Presidente, itinaas lamang niya si Bise Presidente Leni Robredo bilang isang seryosong kandidato. Hindi ang mapagpanggap na anak na si Sara Duterte ang may karapatan na humalili sa kanya. Wala siyang karapatan dahil walang nalalaman si Sara. Tama ang sabi ng isang netizen: “Anong karapatan ni Sara humalili gayong ang ama niya ang dahilan ng pagbagsak ng Filipinas.”

Kumalat na ang maraming propaganda na nag-uudyok na tumakbo si Sara. Ano ngayon? Dapat bang maniwala ang sambayanan sa kanya? Siya na ba ang pinakamagaling na kahalili? Niloloko tayo ng kampo ni Sara. Wala naman nalalaman ang anak. Ambisyosa lang.

***

MGA PILING SALITA: “Hinuli ang mga Aeta. Hinuli ang mga Igorot. Hinuli ang mga Tumandok. Hinuli ang mga Lumad. Binomba ang kanilang paaralan. Sinira ang monumento ng kanilang bayani. Sinunog ang kanilang tahanan. Inangkin ang kanilang lupa. Sa bansang ito, walang ligtas na lugar ang mga Katutubo. – Mark Raywin Tome, netizen

“The madman is not delivering. He has no program, strategy, or whatever on mass immunization. That’s why the VP is being hit.” – George Rayos, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com