Advertisers

Advertisers

LET’S DOH IT MPBL!

Lakan Cup Subic bubble matutuloy...

0 243

Advertisers

NAKASALALAY na sa Department of Health ang kapalaran ng Maharlika Pilipinas Basketball League upang makabalik na sa aksiyon na matamang inaabangan ng basketball – loving Filipinos.
Ayon kay MPBL Commissioner Kenneth Duremdez, naka- pending sa DOH ang guidelines na kanilang hinihintay bago isumite ang kanilang compliance para sa Inter-Agency Task Force( IATF) at Local Government Units para sa implementasyon ng Subic bubble sa lalong madaling panahon.
“ Waiting lang kami sa DOH guidelines, pag lumabas na iyon ay tuloy na ang Subic bubble”, pahayag ng dating PBA superstar na si Comm. Duremdez.
Optimistiko ang liga na babalik na sa hardcourt action ang naudlot na yugto ng division championship kung saan nakatakda ang rubbermatch ng San Juan kontra Makati para sa Northern Division habang maghaharap sa do-or-die ang bakbakang Davao Occ .- Cocolife versus Basilan para sa South Division title.
Magtutuos para sa Lakan Cup ng MPBL ang mangingibabaw sa magkabilang dibisyon para sa best-of-five series sa Subic bubble sa SBMA, Olongapo City na posible nang umarangkada sa maagang bahagi ng susunod na buwan ng Marso.
Umapela ng excemption ang MPBL sa IATF upang mabigyan na ng go signal sa laro lakip ang DOH guidelines.
Ang naturang hakbang ng regional na ligang itinatag ni Senator Manny Pacquiao ay isa namang welcome development para sa Games and Amusement Board.
Our goal is for all to play”, wika ni GAB chairman Baham Mitra.(Danny Simon)