Advertisers

Advertisers

Kasuhan mga tiwaling opisyal!

0 741

Advertisers

KAPAG may malalaki at kontrobersyal na isyung may kinalaman sa mga opisyales ng pamahalaan, lalo na ang mga pinunong lokal at barangay ay napaka-agap ng reaksyon nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at ng kanyang Undersecretary Martin Diño. Magkaisa sa tuwina ang dalawa sa pahayag ng mga ito, aaksyunan, kakakasuhan at pananagutin sa batas ang sinumang tiwali, korap na pinunong nasasaklawan ng kanilang kagawaran.

Ganado sina Sec. Año at Usec. Martin kapag nahihinuha ng mga itong sasagpangin ng tri-media ang mga usaping kinasangkutan ng mga naturang pinuno ng gobyerno.

Magkaisa rin ang dalawang appointees ni Presidente Rodrigo R. Duterte sa kanilang paninindigan na sisibakin o sususpendihin kuno sa kani-kanilang tungkulin ang mga lumabag sa batas na namiminuno sa gobyerno.



Ngunit pagdating sa isyu laban sa posibleng pagkakadawit ng maraming opisyales sa lalawigan, siyudad, mga bayan at barangay ng lalawigan ng Rizal sa bentahan ng droga at iligal na pasugal nina alias John Yap, Alvaran alias Jun Moriones at alias Bong Sola, ay nganga lamang sina Sec. Año at Usec. Diño. Bakit?

Hanggang sa puntong ito ay wala pa kahit isang lokal at barangay opisyales na napaparusahan sa pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na pinagkikitaan ng tatlong salot ng lipunan na nag-ooperate sa Antipolo City at 13 mga bayan sa nasabing lalawigan.

Nanatiling hungkag na pangako nina Sec. Año at Usec. Diño ang repormang dapat ay nakasentro sa mga maanolmalyang halal at appointive official ng mga lalawigan, siyudad, bayan at hanggang kanayunan ng tulad nga sa Rizal Province.

Kung tutuparin lamang ng patas at walang kinikilingan pagtupad ng kanilang mandato sina Año at Martin , ay hind na kailangan tumanaw pa sila sa malayo, pagkat sa lalawigan na lamang ng Rizal ay napakarami nilang maaaring kasuhanng mga pinuno ng pamahalaan na tumutugon sa kategoryang protektor at kunsentidor ng mga iligalista.

Kaya kung totoo ang ulat sa inyong lingkod ay kabilang sa pinaghihinalaang posibleng mapakasuhan sa di pagtupad sa kanyang sinumpaang tungkulin si Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares?



Paksa ng reklamong ipinarating sa SIKRETA ang malaganap na bentahan ng droga partikular na ang shabu sa halos 90 porsiyentong barangay sa kabuuang 188 nito sa buong lalawigan ng Rizal.

Kung totoo din ang paratang, lilitaw na humigit- kumulang sa 170 barangay officials sa lalawigan ng Rizal lalo na ang kanilang chairman na dawit sa korapsyon at katiwalian, maaring sila ay protektor at tumatanggap ng padulas sa mga iligalista sa kanilang hurisdiksyon.

Ipinunto ng ilang Sangguniang Kagawad na nag-ulat sa inyong lingkod na ginagamit ng mga drug lord na sina alias John Yap, Jun Moriones at alias Bong Sola ang kanilang mga kabo at kubrador ng jueteng at loteng sa pagbebenta ng shabu sa mga drug addict sa Antipolo City, mga bayan ng Cainta, Taytay, at iba pang mga munisipalidad.

Sa madaling salita, front at ginagawang kanlungan lamang ng grupo nina John Yap, Alvaran alias Jun Moriones at alias Bong Sola ang operasyon ng kanilang iligal na pasugal para malayang maisulong ng mga ito ang kanilang higit na malaking pinagkikitaan- ang operasyon ng kalakalan ng droga.

Isang retiradong pulis na alias Abion na nagpapakilala pang”bagman” ni Gobernador Ynares ang nagbigay ng bendisyon kina John Yap at Jun Moriones para makapag-operate sa Rizal ng jueteng na nag-aanyong Perya ng Bayan (PnB) at ipinangangalandakan pa na may permit ang tanggapan ni Philippine Sweepstakes Office (PCSO) General Manager, Royina Garma.

Hindi lamang sa probinsya ng Rizal nagsusupply ng shabu ang tatlo, hanggang Metro-Manila at maging sa mga lalawigang sakop ng CALABARZON ( Cavite, Laguna, Rizal, Batangas at Quezon) ay talamak na din ang pagbebenta ng droga ang mga ito.

Gamit namang front ni Bong Sola ang first two balls ng PCSO lotto sa kanyang pa-jueteng. Ang unang dalawang numerong lumalabas sa tambiolo ng PCSO lotto draw ay siya ding “putok” sa jueteng ni Bong Sola.

Talagang karumal-dumal ang ginagawang pagbubulid sa impyerno ng mga nagiging biktimang sugapa sa shabu na suki nina John Yap, Jun Moriones at Bong Sola. Sa kabila ng lahat ng ito ay walang aksyon ang kapulisan ng CALABARZON sa pamumuuno PBD Felipe Natividad at Rizal PNP Provincial Director sa ilalim ni P/Col. Joseph Arguelles .

Ang mga ulat sa malaganap na kabalbalang pinaggagawa nina alias John Yap, Jun Moriones at Bong Sola ay imposible ding makaligtas sa kaalaman nina Gov. Ynares at ng kanyang mga alkalde.

Nauna na ay nagparating ng kanilang hinaing kay Senador Lawrence “Bong” Go at Sec. Año ang ilang nasabing SK para aksyunan ng mga ito sina Gobernador Ynares sa hinalang may alam ang opisina nito sa mga nagaganap na katiwalian at korapsyon sa kanilang probinya bunsod sa di mapigilang drug trafficking at iligal na pasugal nina John Yap, Jun Moriones at at Bong Sola.

Hinimok din ng mga nasabing local officials na sipain sa puwesto ang mga police chief kung saan ay namamayagpag at gamit na pinaka-sentro ng operasyon ng jueteng, loteng at bentahan ng shabu nina John Yap. Jun Moriones at Bong Sola.

Ang mga ito ay sina P/LtCol. Jose Joey C. Arandia, hepe ng pulisya ng Antipolo City, Cainta Police Chief, P/LtCol. Rodolfo R. Santiago at ang hepe ng bayan ng Taytay na si P/LtCol. Rodel S. Ban-O.

Samantala, lahat na bayan sa Rizal ay napasok na pala ng bawal sa batas na operasyon ng tatlo, kabilang dito ang liblib na munisipalidad ng Rodriguez at Montalban. Balewala din naman ang mga kaganapang ito sa halos lahat na alkalde sa 13 mga bayan ng nabanggit na lalawigan, maging sa lungsod ng Antipolo.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email: sianing52@gmail.com.