Advertisers
ANG lingguhang ‘public address’ ni Pangulong Rody Duterte nitong Lunes ng gabi ay nasentro sa pang-aaway kina Vice President Leni Robredo at Senador Ping Lacson sa halip na talakayin ang mas importanteng bagay ngayong panahon ng pandemya, ang Covid Vaccine-19.
Binanatan ni Duterte si Robredo matapos magsalita ang huli na tila “pangingikil” sa Amerika ang hirit ng Pangulo na kung gusto ng Estados Unidos na manatili ang VFA (Visiting Forces Agreement) sa Pilipinas, kailangan magbayad ito.
Actually ang unang nag-Tweet ng “extortion” ay si Senador Ping Lacson na nagsabing “we are not a nation of extortionist, at lalong hindi kami mukhang pera, err… hindi lahat.”
Birada ni Duterte kay Robredo: “Itong si Robredo… I’m sorry to say you are not really qualified to run for President. You do not know your role in this government. ‘Yang foreign relations with other countries is vested on the President alone.
Kinakabahan ako if by chance, mag-president ka… if by unfortunate, please study more. I think that you need a refresher course sa law.”
Kung hindi qualified si Robredo, isang abogada mula sa University of the Philippines, para maging Presidente ng Pilipinas, paano na ang mga nag-aambisyong sina Sen. Manny Pacquiao at ex-Sen. Bongbong Marcos na kapwa ‘di professional o walang masteral degree? Hehehe…
Ito naman ang birada ni Duterte kay Lacson: “Use a language that will promote your person, human being. Hindi yang basta basta ka nalang mag-post-post dyan tapos without really finding out whether you are a part of it or not. I’m telling you, you are not. So next time, consult a lawyer in your office.”
Ang may batayang sagot ni Sen. Lacson: “Mr. President read the 1987 Constitution. A senator has something to do with international agreements: Article V11 Section 21 – No treaty or international agreement shall be valid and effective unless concurred in by at least two-thirds of all the members of the Senate.”
Tumpak! Hindi rin basta mapapawalang-bisa ang VFA hangga’t hindi pumapayag ang 2/3 ng 24 Senador ng Republika ng Pilipinas.
Ilang beses nang inanunsyo ni Pangulong Duterte ang pagkansela sa VFA pero nandiyan parin ito, kasi nga kailangan pa itong dumaan sa Senado.
At hindi pabor ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na mawala ang VFA dahil malaki ang naitutulong nito sa ating sandatahang lakas lalo’t nandiyan ang treat ng gahamang China sa West Philippine Sea.
***
Muling inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na sigurado siyang magkakaroon ng vaccination laban sa Covid-19 bago matapos ang buwan na ito.
Noong Enero sinabi ni Roque na maaring makapagsisi-mula ng pagbabakuna ng Pebrero 15. Eh anong petsa na ngayon???
Sa kabilang banda, sinabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez na wala pang nangyayari sa agreement sa pagitan ng mga magde-deliver ng Covid-19 vaccines. Aray ko?
Noong Disyembre 2020 pa nila tayo pinaasa sa bakuna. Nasa higit kalagitaan na tayo ng Pebrero 2021, wala pa!, Pinagloloko at pinaglalaruan nalang tayo ng mga opisyal na ito ng gobyerno.
Dapat na silang kalusin sa 2022!