Advertisers
MULI na namang kinilala ang lalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Governor Daniel R. Fernando ng Department of Trade and Industry o DTI bilang isa sa ‘most competitive” na lalawigan sa buong pilipinas matapos makamit ang ika-8 pwesto sa 76 na iba pang kalahok sa Cities and Municipalities Competitive Index o CMCI awarding sa idinaos na “18th Regional Competitivess Summit na ginanap sa isang virtual recognition ceremony. Dati nang nakamit ng Bulacan ang ika-49 na pwesto noong 2018 ‘CMCI AWARDS at ika-9 naman sa isinagawang pagkilala noong nakaraang taon.
Sa isang online conference na isinagawa iprenisenta ng DTI-Bulacan ang mga pinaka mahusay na Local Government Units o LGU ay kinilala ang kanilang kagalingan base sa ibat-ibang haligi kung saan nakamit ng bayan ng Baliwag ang ika-3 na pwesto sa pangkalahatang kahusayan habang ang bayan ng Sta Maria ay nakamit ang ika-5 pwesto. Lungsod ng San Jose Del Monte nakamit ang ika-15 na pwesto, bayan ng Marilao nakamit ang ika- 17 pwesto, lungsod ng Meycauayan nakamit ang ika-31 na pwesto, lungsod ng Malolos nakamit ang ika-35 na pwesto, bayan ng Plaridel nakamit ang ika-38 na pwesto, bayan ng Pulilan nakamit ang ika- 46 na pwesto, at bayan ng Bocaue nakamit ang ika-68 na pwesto. Ayon naman sa Provincial Administrator Antonette Constantino na gumagawa ng mga paraan ang lalawigan ng Bulacan para mahikayat pa ang maraming mga negosyo at oportunidad na makakapag-ambag sa patuloy na pag-unlad ng Bulacan. Samantala ang CMCI ay taunang nagbibigay ng ranggo sa mga lungsod at munisipalidad base sa ibat-ibang kategorya gaya ng Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastracture at Resilliency kung saan ang pagraranggo sa mga lalawigan ay batay sa population at kabuuang kita ng pangkalahatang iskor ng mga lungsod at munisipalidad.
Maswerte ang mamamayan ng Bulacan naghalal sila ng isang Daniel Fernando, simula ng magkaroon ng COVID-19 pandemic nandyan palagi ang Gobernador 24/7 para tulungan at alalayan sila sa kanilang pangangailangan na ni minsan ay hindi ito nawala sa paningin nila.
Mabuhay ka Gob Daniel at Congrats!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!