Advertisers

Advertisers

Lalabag sa price ceiling ng karne ng baboy at manok binalaan ni Yorme

0 328

Advertisers

BINALAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang mga lalabag sa price ceiling ng gobyerno sa mga karne ng baboy at manok.
Nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno na magsakripisyo muna ang mga nagtitinda ng karneng baboy at manok, sumunod sa P270 at P300 price ceiling na itinakda ng pamahalaan para sa karneng baboy habang P160 sa karne ng manok.
Sinabi ng alkalde na ang usapin ay idinadaan nila sa pakiusap at diplomasya at malinaw din aniya ang batas kaya huwag nang hintayin na mawalan pa sila ng hanapbuhay.
Dapat lamang aniyang balansehin ng mga producer at vendor ang kita nila para makinabang ang mga mamimili na tinamaan rin ng pandemya.
Dagdag pa ni Domagoso, mahalaga na hindi sila malugi at huwag pag-interesan pa na mabawi ang kanilang kita bago pa man mangyari ang pandemya.(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)