Advertisers
NADAKIP na ng mga operatiba ang responsible sa mga holdapan sa Pasig City.
Kinilala ang nahuli na si Anthony Kim Dequito, 40-anyos, construction worker.
Batay sa District Special Operation Unit ng Eastern Police District, agad nilang ikinasa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Annielyn Medes-Cabelis ng RTC Branch 167 ng Pasig City, dinampot ang akusado sa kasong robbery hold-up. (Gaynor Bonilla)