Advertisers
LAGUNA – Inambus at na-patay ang itinuturong lider ng ” Kadena” drug group habang lulan ito ng minamanehong Nissan Sentra sa may Barangay Sto. Tomas, Binan City, Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ni Binan City Chief of Police Lt. Colonel Giovanni Martinez ang biktima na si Romeo Naval alias “Kumander Liwanag”, residente ng Bgy. Zapote, Binan.
Dakong 5:10 ng hapon nang mangyari ang pananambang sa may nahagi ng Ilo-Ilo St., South City Homes, Barangay Sto. Tomas.
Nabatid na bukod sa dating lider ng Kadena drug group ang biktima, trusted man din ito ni dating Bureau of Customs Intelligence Chief Jaime Guban na responsable umano sa nakumpiskang malaking halaga ng shabu sa magnetic lifters sa GMA, Cavite noong 2018.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.
(Dick Garay)