Advertisers
KINUMPIRMA ng Department of Transportation (DOTr) na pumanaw na si Metro Rail Transit 3 (MRT-3) general manager Rodolfo Garcia sa edad na 77 matapos na dapuan ng COVID-19.
Nanatili rin ng ilang linggo sa intensive care unit si Garcia sa pagamutan dahil sa virus.
Matatandaang ibinunyag mismo ni Transportation Secretary Arthur Tugade noong Enero 28 na nasa kritikal na kalagayan si Garcia matapos tamaan ng COVID-19.
Agad na na-isolate ang mga nakasalamuha ni Garcia matapos na ito ay nagpositibo sa nasabing virus. (Josephine Patricio)