Advertisers

Advertisers

Marian malabong mabuntis ulit ngayong 2021; Kim game na sa selebrasyon ng Chinese New Year

0 174

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

IBINAHAGI ni Kim Chiu sa kanyang latest vlog ang mga preparasyon sa pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong Feb.12

Alam naman ng karamihan na isang full Chinese ang ama ni Kim at  kinalakihan niya ang kultura ng Chinese kasama ang pagse-celebrate ng Chines New Year every year.



Naniniwala rin si Kim sa mga feng-shui expert, Chinese horoscope at lucky charms. Ang una niyang preparasyon na ipinakita ay ang pagpunta sa isang feng-shui expert  sa Binondo para magtanong ng mga pampasuwerte tips sa Year of the Metal  Ox ngayong 2021.

Ikinatuwa ni Kim nang sabihin sa kanya ng feng-shui expert na masuwerte ang mga ipinanganak  sa Year of the Horse na zodiac sign niya ngayong 2021.

Pero hindi raw masuwerte ang year na ito sa mga  pinanganak sa Year of the Snake na zodiac sign ng boyfriend niyang si Xian Lim.

“Oh my gosh Xi, this will be a challenging year for you!  Kaya mo  yan!” mensahe ni Kim sa boyfriend.

May ibinigay ding guide, advice, at tips ang feng-shui expert pagdating sa love, business, career, kasama na ang mga bawal at hindi bawal na dapat gawin ngayong taon.



Sunod na ginawa ni Kim ay lagyan ng pampasuwerte ang kanyang bahay at ilabas ang mga figurines na kabayo dahil masuwerte  nga raw ang Year of the Horse ngayong taon.

Ibinahagi rin ni Kim ang mga pagkaing `must-have` sa Chinese New Year tulad ng tikoy, pansit for long life, steamed fish na dapat daw ay nasa gitna ng lamesa for abundance, circle-shaped fruits for money, shrimp  for  abundance pa rin daw at green vegetables.

Sa mga gusto raw magka-lovelife, magsuot lang daw ng red underwear  sa Chinese New Year. Effective raw ito dahil ginawa niya ito before. Ipinayo rin daw niya ito sa mga kaibigan at  nagkaroon daw ng dyowa ang mga ito.

Bawal din daw maglinis ng bahay pagsapit ng Chinese New Year for the next three days dahil  aalis daw ang suwerte.

“Sabi lang ng lola ko, so yun ang ginagawa namin for so many years. So, huwag maglinis ng bahay kahit sobrang dumi na siya, okey lang yun,” aniya.

Sabi pa Kim, proud daw siya sa kanyang Chinese roots.

***

SA bahay ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera kinunan ang TVC ng 2021 at new campaign  ng isang supermarket  na isinama na rin ng aktres ang panganay nila na si Zia.

Ipinagpaalam ng nasabing supermarket kina Dingdong at Marian kung puwedeng makasama si Zia sa TVC na agad namang pumayag ang mag-asawa.

Sabi ni Marian, hindi raw siya papayag na hindi niya anak ang makakasama sa TVC. Katuwiran ni Marian mas makatotohanan nga naman kung tunay na mag-ina ang mapapanood.

Natanong naman si Marian kung saan sila magse-celebrate ng Valentine`s Day ni Dingdong. Dahil nandiyan pa rin ang pandemic ay mas minabuti na lang nila sa bahay mag-celebrate kasama ang dalawang anak.

Spaghetti ang kanyang lulutuin dahil ‘yun daw ang request sa kanya ng mag-ama.

Samantala, natanong din si Marian kung nakahanda na ba sila ni Dingdong magpa-vaccine. Pag-iisipan daw muna nila ang bagay na `yun.  Pinag-uusapan naman daw nila Dingdong pero kailangan anya muna pag-isipan dahil nangangamba pa rin sila.

“Nakakatakot, di ba?,” aniya.

Kinumpirma rin ni Marian na malabo pa siya magbuntis dahil mayroon pa raw silang kailangang gawin.