Advertisers
SINUSPINDE ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng Child Safety in Motor Vehicles Act o Republic Act 11229.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang nasabing hakbang ay iniutos ng Pangulong Duterte dahil pa rin sa nararanasang COVID-19 pandemic at maiwasan makadagdag ito sa pahirap ng mga may-ari ng sasakyan.
Nakasaad sa car seat law o RA 11229, kinakailangang gumamit ang mga bata na nag-eedad ng 12 anyos pababa at may 4’11 na taas pababa na gumamit ng car seat. Nilagdaan ng Pangulong Duterte ang batas noong Disyembre 2019.
Sinabi ni Roque, bukod sa pagpapaliban sa child car seat law, hindi na inoobliga ng pamahalaan na sumailalim ang mga sasakyan sa Motor Vehicle Inspection System (MVIS).
Ibig sabihin, walang bagong sisingilin sa pagpaparehistro ng sasakyan. (Vanz Fernandez)