Advertisers
LUMAGPAS na sa kalahating milyon ang mga gumagaling sa sakit na coronavirus disease matapos makapagtala ng kabuuang 500,335 recoveries nitong Huwebes, Pebrero 11 matapos makapagtala ng 423 gumaling sa naturang sakit.
Samantala ay mayroon namang naitalang 1,734 bagong kaso at 68 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.8% (31,478) ang aktibong kaso, 92.1% (500,335) na ang gumaling, at 2.11% (11,469) ang namatay.
Paalala ng DOH sa publiko, alalahanin ang walang mintis na pagsuinod sa minimum public health standards habang papalapit na ang pagdating ng bakuna.
Sa pagsalubong ng Lunar Nerw Year ay bigyang priority ang pag-iingat upang ligtas an gating pagdiriwang sa peligro ng Covid-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)