Advertisers

Advertisers

Catriona inalat sa TV hosting, kakaririn naman ang pagkanta

0 235

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MUKHA yatang walang suwerte si Catriona Gray sa mga afternoon live show. Mula sa unang sabak niya bilang bahagi ng isang noontime show, sa “Its Showtime” ng ABS-CBN2 ay ilang buwan lang ang itinagal niya at nagkaroon ng problema sa prangkisa ang Dos.

Pasok naman ang byuti ni Catriona sa isa pang noontime show, by this time sa TV 5, ang “SNL” nila nina Piolo Pascual at Maja Salvador pero hindi pa ito inaabot ng one season sa naturang istasyon ay napalitan agad ito ng “Asap Natin ‘To.”



But wait, born winner si Catriona, hindi siya basta panghihinaan ng loob sa karir na pinapasok.

Ang latest ngayon sa dating Miss Universe ay sabak naman siya sa recording career. Isa sa mga gustong gawin ni Catriona ay ang kumanta at ngayon nga ito ang kanyang goal, ang ipagpatuloy ang naudlot niyang singing career. Kamakailan lang ay nag-recording si Catriona ng bago niyang kanta, ang “Bagani”, ang naturang kanta ay produkto ng PhilPop Bootcamp 2019 na kinompos ni Roel Rostata.

Bago pa man ang kantang ‘Bagani’, una nang sumabak si Catriona sa kantang ‘Raise Your Flag’ at kumanta rin siya kasama ang boypren na si Sam Milby sa Wish Bus last year. Dito nga nag-promote si Catriona ng kanyang 2nd single, ang “We’re In This Together.”

Kaya ang tanong: Manalo rin kaya ng korona si Catriona sa panibagong kompetisyon na pinasukan, ang music industry?

***



RURU AT SHAIRA MALABONG MAGKADEBELOPAN SA PAGTATAMBAL SA SERYE

MAY bagong loveteam na ‘binubuhay’ ngayon ang Kapuso Network, sina Ruru Madrid at Shaira Diaz na magkatambal sa isa sa pinakamagastos na teleserye ng Siyete ngayong taon, ang “Lolong,” base sa higanteng buwaya na nahuli at namatay habang nasa capture.

Matagal pa ang pag-ere nito pero kapansin-pansin na pino-promote na ang tambalan ng dalawa. Nag-guest sila as loveteam sa highest rating  TV show ng GMANewsTV, ang “The Lost Recipe.”

Back-to-back ang loveteam nina Ruru at Shaira sa sumisikat na bagong loveteam ng bansa, Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Pero sakaling may mga supporter ang Ruru at Shaira loveteam, ‘wag nang mag-expect na magkaroon ng personalan na relasyon, trabaho lang talaga.

In relationship kasi ang dalawa, si Shaira kay Edgar Allan de Guzman samantalang si Ruru naman ay may Bianca Umali.

Ano naman kaya ang masasabi ni Shaira kay Ruru na bago niyang kalabtim? Hats-off daw si Shaira sa pagiging gentleman at professional ni Ruru. Inamin din ni Shaira na first time niyang nakatrabaho si Ruru at nasubukan niya ang galing sa akting ng aktor kahit pa sa adlib.

Samantala, say naman ni Ruru kay Shaira bilang  bagong leading lady, “She’s very professional. Very supportive siya in our scenes together at sa batuhan pa lang namin ng linya, you can really feel nandun na siya at ramdam na niya ang eksena.”