Advertisers

Advertisers

600 doses ng Sinovac vaccines darating sa Pebrero 23; Pfizer malabo pa

0 259

Advertisers

KINUMPIRMA ng Malakanyang na nakaukit na sa bato at hindi na mapipigilan pa ang pagdating sa bansa ng 600K Doses ng Sinovac covid-19 vaccine na donasyon ng bansang China sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, tiniyak na ng Sinovac na maide-deliver na nito ang donated vaccine na ito sa Pebrero 23, 2021.
Pahayag ni Roque, nasa 500,000 bakuna lamang ang unang ipinangako ng China na ibibigay na donasyon sa bansa.
Pero ani Roque, itinaas na aniya ito ng Chinese government sa 600,00 kung saan ang isandaang libo rito ay ilalaan para sa mga military personnel o sa Department of National Defense.
Una nang sinabi ni Roque na sakali mang dumating na sa Pebrero 23 ang donasyon na mga bakuna ng China ay hindi agad ito ituturok sa sinumang indibidwal dahil kinakailangan munang hintayin ang ilalabas na emergency use authorization ng FDA. (Vanz Fernandez)

Pagdating ng 117K doses ng Pfizer vaccines malabo pa
MAANTALA ang pagdating sa bansa ng 117,000 doses na bakuna kontra Covid-19 na gawa ng Pfizer-BioNTech.
Sinabi ni Deputy Chief Implementer Vince Dizon ng National Task Force Against COVID-19, ito ay dahil sa problema sa paperworks.
“Nagkaron ng kaunting delay dahil sa processing ng mga dokumento sa Covax facility at sa World Health Organization,” ayon kay Dizon.
Sa kabila nito, pasok pa naman aniya sa buwan ng Pebrero ang inaasahang dating sa bansa ng bakuna ng Pfizer.
Kaugnay nito, sinabi ni Dizon na handang-handa naman na ang lahat para sa rollout ng bakuna sa oras na dumating ito sa bansa.
Una nang sinabi ni Pre-sidential Spokesman Harry Roque na sa kalagitnaan ng Pebrero inaasahang darating sa bansa ang mga bakuna na gawa ng Pfizer. (Vanz Fernandez)