Advertisers
ARESTADO sa pagtutulak ng droga ang dalawang call center agents nang pagbentahan ng mga ito ang nagpanggap na buyer na tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa Madaluyong city, Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto na sina John Philip Yong, 33 anyos; at Aubrey Cruzat, 34, kapwa call center agents at nakatira sa Bonifacio Residences, Boni Avenue sa lungsod.
Sa ulat, 7:30 ng gabi isinagawa ang buy bust operation laban sa dalawa.
Nakuha sa mga suspek ang pitong transparent plastic sachet ng shabu na nasa limang gramo at nagkakahalaga ng P34,000.
Ayon sa operatiba, extra-income nina Yong at Cruzat ang pagbebenta ng shabu. (Gaynor Bonilla)