Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
IPINAHAYAG ni Marlo Mortel na mas magfo-focus siya ngayon sa pagiging singer. Si Marlo ay pumirma recently sa Polyeast Records.
Sa panayam namin sa actor, singer/composer, at TV host, inusisa muna namin siya tungkol sa kanyang acting career.
Aniya, “I miss acting too. Can’t wait to see what’s next after Suarez,” aniya patungkol sa MMFF entry nila na pinagbidahan ni John Arcilla.
Nabanggit din ni Marlo na may bago siyang single at ito’y ukol sa mental health.
“Ang focus ko muna sa ngayon ay singing, ang single kong Racing Waters ay release na sa iTunes at Spotify noong January 4 at magkakaroon ito ng music video na animation.
“Ang next single ko titled Mahina ay soon to be released at magiging first single ko under Polyeast Records,” saad niya sa mga naturang kanta na siya rin ang nag-compose.
Sa mga hindi nakakaalam, bukod sa pagiging magaling na singer, ang Kapamilya actor ay isa ring prolific na composer.
Bakit niya naisipang sumulat ng song about mental health? Paano niya ide-describe ang kantang Mahina?
Esplika ni Marlo, “I’ve been through it. A bad season of anxiety and still moving on from it. And I know na hindi ako nag-iisa, marami ang dumaan sa matinding mental health problems at saka depression and I wanna spread awareness that we’re better than our negativities and lies that the mind creates.
“And being weak is not a sign of weakness but strength. Because in acknowledging our flaws and shortcomings, that’s when we thrive and achieve our victories.”
Dagdag pa ni Marlo, “The song is very powerful, I think it will be my best song yet that will represent my true style as an artist.”
Nabanggit din niyang makare-relate ang marami sa kanyang kantang Mahina.
“Yes po, makaka-relate yung mga dumadanas ng depression at anxiety sa song kong ito,” pakli niya.
Lahad pa ni Marlo, “And the goal is to spread awareness that it’s okay to be weak. What’s important is to move forward.”