Advertisers

Advertisers

Juancho umiyak nang malamang buntis na ang misis na si Joyce

0 220

Advertisers

Ni  JULIET PACOT

KASABAY ng kanilang first wedding anniversary, ngayong araw rin ipinangalandakan ng mag-asawang Juancho Trivino at Joyce Pring na malapit na silang maging magulang.

Ibinalita ng mag-asawa sa isang morning program ang sitwasyon ngayon ni Joyce na una na iniyakan nang husto ni Juancho nang malaman ang pagbubuntis ng misis.



“We cried. Actually, gusto namin kayong i-surprise today kasi yung mga family namin, talagang sinurprise namin. And ako, sinurprise ko rin si Juancho on our anniversary dinner. So iyak nang iyak si Juancho,” kuwento ng soon-to-be mom sa live interview sa kanila ni Juancho, na sa sobrang excitement ay nakalimutang itanong kung ilang buwan na ang sanggol.

Isang malapit sa mag-asawa ang nagsabi na 19 weeks pregnant si Joyce.

Whirlwind of emotions naman ang naramdaman ni Juancho nang sabihin sa kanya ni Joyce sa kanilang dinner date na buntis ito. But as a whole, maligayang-maligaya siya, “Isa sa mga best feeling na naramdaman ko in life.”

Hindi sinabi ng mag-asawa ang kasarian ng ipinagbubuntis ni Joyce dahil magkakaroon pa sila ng gender-reveal announcement.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">