Advertisers
LAGUNA – Inambus at napatay ang dating asawa ng isang notoryos na lider ng drug syndicate habang sugatan ang kasama nito sa harap ng Sto. Tomas Elementary School sa Barangay. Sto. Tomas, Binan City.
Sa ulat ni Police Lt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng pulisya, nakilala ang biktima na si Ernee Grace Marie Cabisag ng Maligaya Village, Canyon Ranch, Carmona, Cavite.
Nasugatan naman ang kasama ni Cabisag na si Honey Lee Algara, 31, ng Bgy. San Dionisio, Dasmarinas City, Cavite. Nasa ligtas na itong kalagayan sa tama ng bala sa kanyang puwetan.
Sa ulat, 6:40 ng gabi ng Huwebes nang maganap ang insidente habang lulan ng kanyang minamanehong Nissan Navara (NCU-8121) sina Cabisag at Algara.
Binawian ng buhay habang isinusugod sa Carmona Hospital and Medical Center si Cabisag bunsod ng ilang tama ng bala sa kanyang ulo at katawan.
Mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo patungo ng Carmona, Cavite.
Si Cabisag, isa ring real state at showroom manager, ay dating live-in-partner ni George Fajardo, ang lider ng ‘Fajardo Drug Group’, ayon sa pulisya. (DICK GARAY)