Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
TAGUMPAY ang taong 2020 ng Total International Entertainer na si Nick Vera Perez sa KUMU app sa kabila ng pandemya na nararanasan ng buong mundo.
Kinilala at sumikat si NVP sa KUMU world dahil sa mga kakaibang pakontes na ginawa niya na nagbigay ng kasiyahan at pampremyo sa KUMUnetizens.
Sinalihan ng mahuhusay na amateur singers ang TheSinger2020, nagpatalbugan naman sa pagsayaw ang ilang matitinik sa paghataw sa TheDanXer2020, habang nagkabugan sa costumes at production numbers ang mga drag queen sa The DRAGon2020.
Nagklik ang mga pakulong ito ni Nick na mas pinasaya pa ng mga kasama niya sa KUMUsta Nick? na sina Jerome, Dwin, Mildred, Zessy, Eldhi, Ian, Jeric, Jio, Fubxy, ang inyong lingkod at ang dalawang mahusay na talent ng NVP1 World Entertainment na sina Ms. Rozz Daniels at Ms. Irelyn Arana.
Marami ring nabiyayaang viewers ng programa sa pamamagitan ng raffle at game prizes tuwing Sabado at Linggo, alas-9 hanggang alas-1 ng hapon.
Matapos magdaos ng Christmas party on air last December, pansamantalang nagpahinga sa KUMU sa loob ng isang buwan ang show.
Pormal na nagbukas ang KUMUsta Nick? noong January 23, 2021 at mas pinabongga ito ng Total International Entertainer.
May mga bagong segment na pinakilala para sa lalong ikasisiya ng mga sumusuporta rito.
May apat na segments ito ngayon, ang Medley Relays, ILoveUBae&Bea, TuneIn at TheTrivialBee. May pagkakataon pang manalo ang mga nanonood sa pamamagitan ng ‘four ROADS to 1-Million KUMU coins.’
Kasabay nito, tuloy pa rin ang mga solo show ni NVP, may One-On-One kasama ang ilang KUMU guest artists gaya ng ilang naging panauhin nang sina Ms. Ivy Violan at Ms. Apple Chiu.
May U & I Back2Back show na sinimulan na niya kasama ang mahusay na theater singer na si Harold Jess Evangelista.
At sa Valentine’s Day, Feb. 14, 11pm (Manila time), maki-celebrate tayo sa ‘Nick Vera Perez The Serenade of Hearts, A Smile World Solo Charity Show’ na tulad ng mga nagdaan ay ginagawa niya para sa kawanggawa.
Bubusugin din tayo ni Nick ng mga tagos sa pusong awitin na tiyak na maiibigan ng lahat kaya abangan.