Nang tangayin ng booking agent… Lani naiyak nang palitan ni Idol Raffy ang P105K; Mikee at Kelvin binisto ang mga crush sa showbiz
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAPANOOD namin ang guesting ng lead stars ng fantasy-romance series na The Lost Recipe, na sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos sa Pep Live kamakailan. Sumalang sila sa I have/I have Never challenge. Ito ay laro na ang tanong ay sasagutin nila ng I Have o I Have Never. At ipaliliwanag nila kung bakit ‘yun ang sagot nila.
Sa tanong sa dalawa kung nagkaroon ba sila ng crush sa co-star o nakatrabaho na nila, ang sagot nila pareho ay I Have. Si Mikee nu’ng una ay ayaw sabihin kung sino ang crush niya. Secret daw.
Pero umamin na rin siya na si Kristoffer Martin ang crush niya, at alam naman daw ‘yun ni Kelvin. Si Kelvin naman ang crush ay si Liza Soberano. Nakatrabaho niya raw ito sa isang TV commercial.
Nu’ng nakita niya raw ang girlfriend ni Enrique
Gil ay na starstruck daw siya rito. Para raw itong barbie doll na naglalakad. Pero that time raw, hindi pa maputi si Liza, morena lang daw ito.
Pero ngayon daw ay maputi na. Nang tanungin naman sila kung may in-unfriend o in-unfollow na sila sa social media na close sa kanila, ang pareho pa ring sagot nila ay I have.
Sabi ni Kelvin, “Nararamdaman ko kasi na hindi totoo sa akin ‘yung tao. Pero sinabi ko naman na ia-unfollow kita kasi hindi ako kumportable, dahil alam ko naman na hindi ganito ‘yung level ng pagkakaibigan natin.”
Sabi naman ni Mikee, “Ako naman it’s not anyone in showbiz. So, hindi naman kilala kahit sabihin ko kung sino.”
Napansin lang namin habang pinapanood namin sina Kelvin at Mikee, bagay sila, may chemistry sila. Tama lang na sila ang pinagpareha sa The Lost Recipe na napapanood weeknights, 8:00pm sa GMA News TV.
***
NAGING emosyunal si Lani Misalucha sa episode ng Raffy Tulfo in Action kamakailan. Humingi ng tulong ang singer kay Raffy Tulfo para ireklamo ang taong nagngangalang Maynard Oliver Vergara na pinagkatiwalaan niya sa kanyang mga social app bilang admin.
Si Vergara ay nakilala ng singer dahil isa itong booking agent na nag-book sa kanya ng isang show. Ito rin ang naghikayat kay Lani na mag-Lyka at Bigo kaya may access ito sa kanyang mga account.
Na-scam umano siya ni Vergara at nakuha ang beans at gems sa kanyang Lyka at Bigo accounts na umabot sa halagang 105 thousand pesos.
Kuwento ni Lani, bigla na lang daw niyang hindi ma-access ang mga account dahil iba na ang cellphone number na nakalagay dito. Nagtaka ang Asia’s Nightingale dahil kapag nakatatanggap ng gems ay magno-notify ito thru text ngunit wala na siyang natatanggap at dito na niya nakita na iba na ang number na nakalagay.
Ayon umano kay Vergara, ie-encash na ang mga nakuhang beans at gems at ibibigay sa singer upang makatulong sa pagpapaospital nilang mag-asawa dahil sa bacterial meningitis noong Oktubre. Nilipat na ng scammer ang mga gem sa account niya at kahit isang gem ay hindi napakinabangan ni Lani.
Hinikayat naman ni Raffy at mga netizen na sampahan ng singer si Vergara ng estafa para matuto.
Bilang tulong sa pagpapagamot ng singer at kanyang mister ay pinalitan ni Raffy ang 105 thousand pesos na na-scam sa kanya. Maluha-luha naman si Lani at sinabing hindi niya inaasahan ang tulong na ito ni Raffy.
Bukas ang pahina ng aming kolum sa paliwanag ni Maynard.