Mula Dos at Singko… Maja lundag naman sa Siyete, magiging co-host ni Willie sa ‘Wowowin’; Lloydie mga trike ang target sa bagong negosyo
Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
SA Instagram ni Maja Salvador ay may mga netizen ang nagtanong kung siya raw ba raw ang na-blind item na Kapamilya actress na lilipat sa GMA 7.
Hindi sumagot si Maja sa tanong at may sumagot na hindi raw aalis ang actress sa ABS-CBN dahil solid Kapamilya ito.
Ang nasa blind item ay isang Kapamilya actress ang lilipat sa Kapuso Network at makakasama raw nina Heart Evangelista at Richard Yap sa weekly TV series na I Left My Heart in Sorsogon. Ang nasabing series daw ang magiging unang project sa GMA 7 ni Maja.
Kaya raw naisip ng mga fans na si Maja ang nasa blind item dahil wala na itong project sa TV 5 at wala na rin siyang show sa ABS-CBN.
Sa latest na balita ay done deal na nga raw ang paglipat ni Maja sa Kapuso Network.
Maraming netizen ang nagwi-wish na sana raw ay kuning co-host ni Willie Revillame si Maja sa Wowowin, lalo na raw kung makukumbinse ni Willie si Johnny Manahan na magdirek ng Wowowin.
Anak-anakan ang turing ni Direk Johnny kay Maja na kumunbinsi raw sa actress na iwanan na ang Kapamilya at lumipat sa TV5.
***
MAGANDA at magaling ang naisip na bagong negosyo ni John Lloyd Cruz. Nakipagkita siya kay Cabuyao City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea para ilatag o ipakita ang kanyang bagong project na Tricycle Booking App na Trike Now na nasa presentation ng actor sina Congressman Dan Fernandez, Mike Aranzanso at mga opisyal ng TDDA ng Cabuyao.
Ngayon pa lang ay hinuhulaan na magkiklik ang project ng actor dahil may mga request na natatangap ito na isama na rin daw niya ang Cavite sa bagong project at iba pang lugar na mode of transportation ang tricycle.
Pero tulad ng inaasahan ay may nagdududa na magiging successful ang project na ito ni Lloydie. May nagsabi kasi na may mga driver na wala raw Smartphones, pero kung aakuin o ipo-provide ng actor ang Smartphones baka raw mapapayag na rin ang mga drivers na sumali o sumama na sa Trike Now.