Advertisers
LAGANAP na naman pala ang pinakamadayang iligal na sugal, JUETENG!
Ayon sa mga sumbong sa atin ng concerned citizens mula sa Cavite, marami sa kanilang mga ka-lugar sa Bacoor ang nahihibang na naman sa pagtataya sa JUETENG.
Minsan nga raw ay nag-away sila ng mister niya dahil ang pambili nila ng bigas ay binawasan pa pantaya sa iligal na sugal na ito, na never mong makikita ang draw unlike lotto draws na napapanood sa TV ang mga bola sa gabi.
Dito sa jueteng, isinisigaw lang ng mga kubrador ang lumabas: “10-26 po ang labas, pang-umaga!”
Nabatid natin na ang operator ng JUETENG sa Cavite ay ang grupo ni John Yap, at ang taga-ayos sa mga lispu ay isang “Jun” na umano’y isang barangay official sa Maynila.
Isang “Col. M.R.S.” daw ang kausap ni “Kagawad Jun” sa Jueteng operation nila sa 20 munisipyo at 4 lungsod ng Cavite. Ang lawak pala ng operasyon. Magkano kaya ang sa PD ng PNP Cavite at sa Office of Governor ng probinsiya?
Paano ba ito, Chief PNP Debold Sinas? Anyare sa “No take Policy” ng PNP against illegal gambling? Press release mo lang ba yun, General?
***
Umaangal ang mga tumataya sa online sabong na “Sa-bong Express” na pinatatakbo ng Pineda sa Pampanga.
Wala raw kwenta! Lagi raw sumasablay ang computer. Minsan daw pag tumaya sila at tumabla, kinabukasan pa babalik ang taya nila sa GCash. Aray ko!
Tapos ang pangit daw ng mga sultada, parang tupada lang sa kung saan-saan. Napakalaki pa ng kaltas. Kahit dehado raw ang tinayaan mo at nanalo ay napakaliit parin ng tatamaan mo. Lalo na raw pag llamado ang nanalo, halos 30 percent nalang ng taya ang kabig. Tsk tsk tsk…
Well, ang advise ko: Huwag n’yo nalang tangkilikin ang Sabong Express na ‘yan para ‘di na kayo ma-stress pa. Hehehe…
Unang una, sa pagkakaalam ko ay iligal ang online Sa-bong Express. Wala pa itong permiso sa PAGCOR.
Kung nakapag-o-operate man ang Sabong Express… marahil dahil sa malaking gaybi nito sa kung sino sa mga “bata” ni Pangulong Digong. Mismo!
Again, para hindi na kayo ma-stress sa pangit na mga sultada at palpak na online Sabong Express, huwag nyong tangkilikin. Mag-tupada nalang, sakto pa ang bayaran. Kailangan lang ay mabilis kayo tumakbo ‘pag may para-ting na mga lispu. Hehehe…
***
Open narin ang voter’s registration ng COMELEC pag Sabado. Ito’y upang mabigyan ng pagkakataong magparehistro ang mga nagtatrabaho ng Lunes hanggang Bi-yernes.
Target ng COMELEC na makapagrehistro ng higit 5 mil-yon ngayon taon para sa halalan sa 2022.
Kaya yung mga mag-18 years old bago mag-eleksyon sa Mayo 2022, maari na kayong magpa-rehistro. Now na!
Ito’y upang magkaroon kayo ng kapangyarihan sa pagpili ng mga tamang kandidato at nang magkaroon ng ka-buluhan ang pagbatikos nyo sa kapalpalkan ng mga taong gobyerno lalo sa mga opisyal at mga halal na lider. Mismo!
Go! na sa COMELEC, mga kabataan…