Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
HINDI na nga raw itinatago nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang namamagitan sa kanila at bagay nga raw ang dalawa dahil isang playboy at playgirl.
Pero kaagad na may nag-react na pabor sa relasyon nina Derek at Ellen. Kapwa naman daw single ngayon ang dalawang controversial celebrities, kaya unfair daw na paratangan na playboy at playgirl.
Dedma naman ang mga naging ex nina Derek at Ellen na sina Andrea Torres at John Lloyd Cruz.
Wala na umanong pakialam si Lloydie sa mga pinaggagawa ni Ellen ngayon. Basta ang mportante sa actor ay ang anak nila na si Elias para mabigyan ng magandang kinabukasan.
Hirit nga ng fans at mga nagmamahal kay Andrea ay napakasuwerte nga raw ng actress at nakawala agad kay Derek dahil hindi raw nasuklian ng actor ang pagmamahal at pag-aarugang ginawa niya rito.
***
TILA matutupad ang wish ng bagong Kapuso actor na si Richard Yap na makasama sa isang project sa GMA 7 si Heart Evangelista.
Tinanong kasi si Sir Chief matapos pumirma ng kontrata sa Kapuso Network, kung sino sa mga talent ng GMA 7 ang gusto niyang makasama at maka-partner sa isang project.
Nasabi kasi ni Richard ang pangalan ni Heart at tila matutupad ang wish dahil nababalita na siya ang makatatambal ng actress sa bago nitong weekly series na I Left My Heart In Sorsogon na kukunan sa nasabing probinsya.
Sa ngayon matapos pumirma ng kontrata ay sunud-sunod ang TV guesting ni Richard sa mga show ng GMA.
***
ANG latest victim ng fake naked photo ay si Barbie Imperial na kung saan yung larawan na suot niyang two-piece yellow green swimsuit ay hinubaran.
“Reposting this photo because people are messaging me about this photo.
“Grabe, sobrang stupid naman. You really think I`ll post a photo like this? (Nakatayo ng harap na walang saplot sa itaas at ibaba) Sa lahat ng nagse-share nito. ANG LALA NYO.. And sa lahat ng nagba-bash and madaming sinasabi sakin dahil sa picture na to, ANG TANGA LANG. Wala na ba kayong magawa kundi mag-edit ng photos ng mga babae at gawing nude photo? Paisa lang po dahil nakakagigil talaga yung gumawa nito. Ilang babae pa ang magiging biktima ng mga makikitid nyong utak? Itigil nyo na wala kayong ambag.”
Nag-comment nga si Sue Ramirez na isa ring biktima ng edited photo sa post ni Barbie at sinabi na, “Yakap bie.” Pero kung ikukumpara sa edited photo ni Sue sa edited photo ni Berbie ay mas malala ang sa huli. Kay Sue ay yung itaas lang nito ang inilantad kumpara sa edited photo ni Barbie na nakalantad ang itaas at ibabang maselang parte ng katawan.
Matagal nang may gumagawa ng ganitong tema ng mga walang magawang maniac na tao. Masasabi na may `sakit` ang mga ito.
Sana this time ay gumawa na ng action ang mga kinauukulan para mahuli at matigil na ang pagmamanipula ng mga damuho sa mga female celebrities.