Advertisers

Advertisers

Nadine mas feel mag-ampon kaysa magkaanak; Kris ala-Catriona ang isusuot na wedding gown

0 245

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

KUNG dati ay ipinangangalandakan ni Nadine Lustre na dalawang anak ang gusto nito, sa latest post ay nabago na ang pananaw nito.

Mas priority raw ngayon ni Nadine ang mag-ampon at ituring na parang tunay na anak ito.



Kunsabagay, ilang celebrities na ba ang nag-ampon muna bago pa bumuo ng sariling anak.

Baka nga raw ganun ang gusto ni Nadine na ayaw muna mag-anak dahil na rin siguro sa pandemic.

Pero hindi naman nilalagyan ng tuldok ni Nadine na totally ayaw na nitong mag-anak.

Nasa planning stage raw ang pagbuo ni Nadine ng sariling pamilya.

Sa ngayon ay hindi pa sumasagi sa isip ng aktres na magkaroon ng sariling anak.



***

ISA sa pinapangarap ng mga kababaihan na tulad ni Kris Bernal ay maikasal sa taong gusto nitong makasama for life.

Last year sana nakatakda ang kasal ni Kris sa kanyang fiance pero nagkaroon nga ng pandemic.

Dagdag pa rito ang ‘di nito pag-renew ng kontrata sa kanyang home studio.

Kaya itinakda na ngayong taon ang kasal kaya naman excited na ang lahat lalo na si Kris.

Mas lalong excited si Kris dahil pang Miss Universe raw ang gown na isusuot nito sa kanyang espesyal na araw.

At ang gagawa nga raw  ng wedding gown nito ay ang gumagawa rin ng gown ni Miss Universe Catriona Gray na si Mark Tumang.

Kaya naman ganun na ka-excited si Kris na feeling rarampa like Miss Universe sa suot na wedding gown.

Well, well, well…’Yun na!