Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
IBINAHAGI ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram ang magagandang baiita at updates sa kanyang showbiz career. Nandiyan ang pagbabalik ng Your Face Sounds Familiar na isa siya sa mga hurado.
Sinabi rin niya na gagawa siya ng dalawang pelikula sa Viva Films.
“I am shooting 2 movies for Viva Films back to back, and I will tell you more about that sa mga darating na araw pero that`s sarado na,” pagbabalita ni Sharon.
Ipinitch na raw sa kanya ang istorya ng dalawang movies at gustung-gusto niya dahil ibang-iba raw sa mga pelikulang nagawa na niya Kaya sulit daw ang paghihintay niya dahil dalawang back to back na pelikula ang nakatakdang mapanood sa kanya ng fans.
Isa pang magandang balita ay gagawa rin siya ng dalawang teleserye, isa sa Viva at isa sa ABS-CBN.
“If everything goes well at naayos ang schedule, I will have a teleserye for VivaMax, yung kanilang channel. Muntik akong tumambling nu`ng kinuwento sa akin, kasi it`s a sequel to one of my most favorite and beloved movies. Hindi ko maikuwento dahil bawal pa, pero yun, iniyakan ko rin ang istorya,” masayang pagbabalita pa ng Megastar.
May gagawin din siyang isang serye na hindi para sa isang local network kaya tatlong series ang nakatakda niyang gagawin.
Ibinahagi rin ni Sharon na gagawa siya ng bagong album collection ng lahat ng kanta ng kanyang favortie songwriter.
Sobrang excited din ang Megastar na ibalitang may dalawang offer din daw siya na hindi pa niya puwedeng sabihin pero kapag natuloy daw ay siguradong araw-araw daw siyang magtatambling dahil sa sobrang saya.
Ito raw ngayon ang ipinagdarasal ni Sharon kay Lord na sana matuloy ang dalawang offer. Hindi raw niya inakala na darating ang blessing na ito kaya raw siguro bumilis ang kanyang pagpayat.
Ngayon pa lang ay sobrang pasalamat na si Sharon sa Diyos. Sguro raw ito ang sign na ayaw pa siyang pagretiruhin ni Lord or kaya ay puwede rin daw sign din ito na kaya ganoong karaming project ang ibinigay sa kanya ay bilang paghahanda na rin sa kanyang pagreretiro sa showbiz.
***
EXCITED na ang mga aspiring Bida Kids na magpasiklaban muli sa singing competition ng GMA Network na Centerstage. Yes, muling mapapanood ang programa na natigil last year dahil sa Covid 19 pandemic.
Pero usap-usapan sa social media kung paano raw ito mangyayari dahil bawal pa rin lumabas para magtrabaho ang mga kabataan wala pa sa edad na 15.
Kaagad naman nagbigay ng pahayag ang Kapuso Network kung paano ang gagawin para muling mapanood ang mga aspiring young contestant, Ibibida ng Network ang makabago nilang vitual set para na kaligtasan na rin ng contestant at production team.
Mananatili pa ring walang live audience ang programa. Ang mangyayari ay isi-shoot nila ang performance ng mga contestant sa kani-kanilang bahay kaya hindi na kailangan lumabas ang mga kalahok para sa Centerstage.
Sina Alden Richards at Betong Sumaya ang magsisilbing hosts ng Centerstage at ang mga hurado naman ay sina Aicelle Santos, Maestro Mel Villena at Pops Fernandez. Magsisimula na ang programa sa February 7 (Sunday) sa GMA 7.