Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
ILANG tulog na lang at love month na! Papalapit na rin ang pagsisimula ng bagong kakikiligang GMA Public Affairs rom-com series na Owe My Love tampok ang tambalang #SenMig nina Lovi Poe at Benjamin Alves.
Gaganap bilang sina Pacencia “Sensen” Guipit at Doc Migs Alcancia sina Lovi at Benjamin. Bukod sa kilig ay marami rin daw matutunan sa upcoming GMA Telebabad series na ito pagdating sa pag-handle ng pera at financial literacy.
Inaasahan din na itsitsika na naman ng iba na nagkahulugan ng loob sina Lovi at Benjamin dahil sa madalas na pagsasama at sa mga sweet scene nila sa serye. Pero sa ngayon ay malabo ‘yang mangyari at kapwa sila masaya sa kani-kanilang lovelife.
Kabilang din sa mga aabangan sa Kapuso rom-com series na ito ang tandem nina Jon Gutierrez at Jelai Andres at sina Kiray Celis at Buboy Villar. Siguradong tututukan din ang laugh trip na duo ng ‘utang-in-tandem’ na sina Divine Tetay at Terry Gian.
Mapapanuod na ang Owe My Love sa GMA Telebabad ngayong February 15.
***
Royce Cabrera abala sa kabi-kabilang proyekto
MARAMING dapat abangan ang fans ng Kapuso hunk na si Royce Cabrera.
Malapit na kasi siyang mapanood sa third installment ng GMA Public Affairs fantasy romance-anthology series na My Fantastic Pag-ibig katambal ni Ella Cristofani at sa TV adaptation ng ’80s classic film na Nagbabagang Luha na makakasama naman niya sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz. Mayroon din siyang kabi-kabilang guestings sa iba’t ibang Kapuso shows.
Samantala, graduate pala ng Bachelor of Science in Construction Engineering and Management sa Mapua University si Royce kaya naman ibinahagi niyang pangarap niyang magkaroon ng isang construction business.
“Kasi minsan kapag may tinatayo ring mga bahay, kunwari mga friends ko, or ito sa bahay, nagtatanong sila Mama, nababalik-tanaw ko ‘yung mga pinag-aralan ko. Nakaka-miss rin kasi gusto ko rin ‘yung course na inaral ko, e. So, baka, baka, ‘pag nakapag-ipon tayo ng malaki-laki. Baka ‘yung business na i-invest ko, malapit sa tinapos ko para hindi na lumayo,” kuwento niya.