Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
KONTROBERSYAL ang naging alegasyon ni Lt. Gen. Antonio Parlade na labingwalong kolehiyo at unibersidad sa bansa ay training grounds ng mga NPA at komunista.
Marami ang umalma rito kasama na ang aktor at dating Makati Vice Mayor na si Edu Manzano.
Sa labingwalong unibersidad na tinukoy na nagtuturo ng idelohiya ng komunismo, kasama kasi ang Dela Salle na alma mater ni Doods.
Sa Dela Salle kasi nag-aral ng grade at high school si Edu. Sa DLSU rin siya nagtapos ng kursong economics.
Aniya, noong panahong nag-aaral siya, wala siyang nabalitaan na nasangkot sa communist o terrorist acts ang kanyang iskul.
Dagdag pa niya, dapat daw ay maging maingat ang mga kinauukulan sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at maging alegasyon.
Maaaring radikal daw ang pananaw ng isang tao pero hindi ibig sabihin nito na isa siyang komunista o baka naman isang mamamayang naghahanap lamang ng pagbabago.
Speaking of politics, aniya, wala na raw siyang balak na kumandidato sa anumang puwesto.
Mas gusto raw niyang ipaubaya ito sa young blood na para sa kanya ay maraming maiaambag para mapaunlad ang bansa.
Gagampanan ni Edu ang papel ni Gen. Benjamin Magalong sa isang pelikulang idinirehe ni Lawrence Fajardo.
Meanwhile, speaking of Edu, excited na raw siyang magkaapo sa kanyang panganay na si Luis.
Aniya, it’s about time na mag-settle down na ang TV host-actor dahil nasa tamang edad na ito.
Wish din niyang magkaroon na ng apo kay Luis sa fiancee nitong si Jessy Mendiola.