Advertisers

Advertisers

Tuloy ang American dream

0 375

Advertisers

PARA sa marami nating kababayang umaasam-asam na makapunta sa America, ang pagkakahalal kay bagong US President na si Joseph “Joe” Biden ay isang malaking pag-asa.

Sa kanya ngang unang araw pa lamang ay agad itong naglabas ng ‘executive order’ na taliwas sa ipinagutos ng kanyang sinundang lider na si Donald Trump – ang tanggalin ang ‘travel ban’ sa lahat ng mga tinatawag na mga “immigant” o yaong mga tao na nagnanais sa United States of America (USA) na manirahan.

Bagamat marami pang kailangang pagdaanan ang kautusang ito ni Biden, gaya ng pag-apruba ng kanilang Kongreso, ang mahalaga ay niluwagan nito ang pagkahigpit-higpit na kautusan ni Trump hinggil sa mga immigrant, partikular na ang mga kapatid nating Muslim sa mga Arab na bansa at maging sa Africa.



Para naman sa ating mga kababayan, tinatayang papagaanin nito ang proseso ng mga Pinoy immigrant, lalo na yung mga nandun na at hanggang ngayon ay “tnt” pa rin o “tago-ng-tago” dahil hindi pa ligal ang kanilang pamimirhian sa USA.

Malaking bagay ang ipinakita rin kasi ng ating mga kababayan na naroon na, at kabilang sa mga front liners o health workers ang papel doon. Nakita ng mga amerikano kung paano lakas loob ang mga Pinoy na gawin ang kanilang mga trabaho sa gitna ng panganib na dala ng pandemic dahil sa virus na COVID-19.

Pihadong susuklian nila Biden at ng kanyang mga kapanalig na mga “Democrats” ang pinakitang kabayanihan ng ating mga nurses at iba pang mga kababayan doon, na maaaring ang karamihan sa kanila ay American sixtycents na. Ay! Di pala. American citizens pala.

Ito rin ang pananaw na inilahad ng ating Ambassador doon na si Jose Romualdez, na nagsabing inaasahan niyang gagawin ng administrasyon ni Biden na ibalik ang Deferred Action for Childhood Arrivals (DACA) at iba pang uri ng ‘visa’ o pagpayag na makapunta roon sa mga kadahilanang gaya ng pag-aaral at mag-trabaho.

Ang Democratic Party na nagluklok kay Biden sa pagka-pangulo, sa pananaw ni Ambassador Romualdez, ay naniniwalang bahagi ng bansa ang mga immigrant. At sa pagka-dami-daming mga Filipino-American doon na matagumpay naman sa kani-kanilang mga papel na ginagampanan ay itinuturing na ng mga amerikano na ang mga Pinoy ay kilalanin bilang ka-isa nila.



Ang lilinangin nilang sistema ng immigration ay siguradong kikilala sa dignidad ng mga taong nais manirahan sa US lalo na ang mga Pinoy. Maging ang kanila mismong mga mamamayan ay bukas palad na tatanggapin ang mga Filipino.

Kaya sa mga kababayan nating may “american dream” o nangangarap na marating ang USA, ito na ang simula na inyong bagong yugto ng pangarap.

Taga-pitas man ng mansanas sa kanilang mga taniman o pinaka-mataas o high-paying job, sigurado na tayong papayag na si Uncle Sam na makatutong tayo sa “land of the free and the home for the brave.”