Advertisers

Advertisers

SAN PASCUAL BAYLON PARISH SA OBANDO, TINALAGA BILANG NAT’L SHRINE

0 235

Advertisers

KINUMPIRMA ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na isang popular na pilgrimage site sa Bulacan, na kilala sa fertility festival nito, ang itinalaga na na nila bilang national shrine.

Ayon sa CBCP, ang San Pascual Baylón Parish-Diocesan Shrine of Nuestra Señora de la Inmaculada Concepcion de Salambao sa bayan ng Obando, Bulacan ay makakabilang na ngayon sa 26 pang simbahan sa bansa na may ganitong titulo.

Ito rin ang magiging pang-apat na national shrine sa Diocese of Malolos.



Nauna rito, nitong Miyerkoles ay nagbotohan ang mga obispo sa isang online plenary assembly para maideklara ang naturang parokya bilang national shrine.

Nabatid na ang Obando church ay itinatag ng Franciscan missionaries noong Abril 29, 1754.

Dinarayo ito ng mga mag-asawang hindi magkaanak dahil sa paniwalang kapag lumahok sila sa fertility dance sa Obando ay mabibiyayaan sila ng supling.

Sa kasalukuyan ay wala pa namang petsang itinatakda kung kailan pormal na idedeklara ang parokya bilang national shrine. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">