Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
KUNG ano man ang narating ng career ng young sultry Diva at “Millennial Queen Of Cover Songs” na si Marion Aunor, ito ay dahil sa talent niya hindi lang sa pagkanta kundi sa pagiging songwriter and plus factor ‘yung ganda at sexiness nito.
Siyempre pa, sa all-out support na ibinibigay sa kanila ng Mommy nila ni Ashley (her younger sister na recording artist din gaya niya) na si Maribel Aunor na mega sikat noong panahon ng Apat na Sikat. Imagine, para madaling sumikat ay pwede namang magpakilala ni Marion na pamangkin siya ng ating Superstar na si Nora Aunor at ‘yung popularity ng nanay niya na si Lala pero never niya itong ginawa. Bagkus noong sumali sa Himig Handog P-Pop Love Songs taong 2013 ay mag-isa siyang nag-submit ng kinompos na kantang “If You Ever Change Your Mind,” na pinalad na manalong 3rd place and the rest is history.
Eto na ngayon si Marion, tinatangkilik na ang kanyang mga awitin at lahat ng kinantang themesong para sa mga pelikula ng Viva gaya ng “Akala” na themesong ng The Day After Valentine’s nina Bela Padilla at JC Santos, “Delikado” na ginamit sa movie nina Anne Curtis at Marco Gumabao na Just A Stranger na parehong blockbuster.
“I’m happy sa mga nangyayari sa career ko with Viva. That’s when
I started composing Tagalog songs and nagamit po sa mga blockbuster films nila.
“Right now my song Akala is at 25 million (counting) streams on Spotify,” say pa ni Marion sa latest interview sa kanya.
For the very first time ay kakanta si Marion ng themesong ng isang teleserye na soon ay ipalalabas sa Viva Max. At habang pandemya ay ine-enjoy na muna ng young Diva ang pagkanta ng iba’t ibang cover songs, na lahat yata ng kanyang kantahin ay bagay sa kanya. Samantala, sa mga fans ni Lala na hindi aware, isa na siyang successful businesswoman na President at CEO ng Golden Legacy Jobmovers Corp at owner ng La Aunor Realty Holdings Corporation. Mapapanood pa rin ang lumang hits ni Lala sa Youtube tulad ng favorite naming “Ah, Ewan” at “Never Gonna Fall In Love Again” na parehong ni-record ni Lala sa Alpha Records.
***
Favorite Korean Resto Ng Star Ng Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar At Anak Ng Macho Dancer Na Si Rosanna Roces
Na-enjoy namin at sarap naman talaga ng lunch treat sa amin recently ng certified contract star ng Viva Artists Agency (VAA) na si Rosanna Roces.
Yes, dating kakilala na ni Rosanna ang owner ng Chung Choon Yeon GA na located sa Ill Terrazzo sa Tomas Morato na si Mr. Jose Sacramento.
Nakabibilib si Jose na dating waiter ng Hardrock Cafe sa Makati na ngayo’y isa nang entrepreneur. Infairness, bukod kay Osang ay mga sikat na celebrities at personalities ang nagda-dine in at take-out sa kanyang resto. Maging ang binatang anak ni Sen. Manny Pacquiao na nag-aartista na si Jimuel ay regular customer dito.
Tuwing napapadpad naman ng Tomas Morato ang star ng Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, Anak Ng Macho Dancer, Kontrabida, at KAKA na si Osang ay sa Chung Yeon Ga sila kumakain ng kanyang entourage including her partner in life, Blessy Arias.