Advertisers

Advertisers

Sue nagwala sa socmed sa pagkalat ng pekeng nude foto

0 305

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO
MATAPOS ma-link sa kanyang Oh, My Dad co-star na si Ian Veneracion, tila ayaw pa ring tantanan ng mga intriga si Sue Ramirez.
Pinaglaruan kasi ng ilang netizens ang kanyang picture.
Sa edited photo na nagci-circulate online, makikita ang kanyang kahubdan at malusog na dibdib.
Dahil dito, hindi niya napigilang mag-react sa pambabastos sa kanya kaya idinaan niya ang kanyang sentimyento sa social media.
“NAKAKADIRI KA. SA LAHAT NG NAGSHARE NETO AT SA DEMONYO SA LUPA NA GUMAWA AT NAG EDIT NG KABABUYAN NA TO, NAKAKATAWA BA TO PARA SA INYO?!!!,” sey ni Sue.
Nanawagan din siya sa kanyang social media followers na tulungan siyang hanapin kung sino ang nag-upload ng malisyosong larawan para managot.
“Sa 8.1M followers ko, nakikiusap ako sainyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang MAPANIRA. Kulturang KASUKLAM-SUKLAM.
THIS CAN HAPPEN TO ANYONE.
“Sa nakakaalam kung san nagsimula ito, pls contact me through DM. Help me get to the bottom of this.
HINDI NA TAMA ITO. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago niyo samin. AYOKO NANG MANAHIMIK. ABUSADO KAYO,”
bulalas niya.
Matatandaang kamakailan lamang ay naging kontrobersyal si Sue nang akusahan siyang kabit ni Ian ng ilang bitchy netizens dahil sa isang blind item.
Ipinagtanggol naman siya ng kanyang boyfriend na si Javi, anak ng Brightlights Productions producer at dating Congressman Albee Benitez.