Advertisers

Advertisers

Squatters sa loob ng North Cemetery

0 440

Advertisers

Nakipaglibing ako kamakailan sa North cementery. Ang pwesto ng nitso malayo mula sa bukana, first street ang binaybay hanggang makarating sa apartment na nitso. Sa first street halos tago na ang lugar. Nagulat ako ang dami na naman squatter dun. Ang mga nitso na may bakod o bintana na bakal ginawang sampayan ng damit na parang ukay-ukay. Lahat ng pamilya dun, hindi gumagamit ng mask. Ibang nitso ginawang tindahan, paliguan. Maganda ang gusto mangyari ni Isko, linisin, alisin ang mga sagabal at pangit tingnan. Pero talagang imposible mangyari. Sa una malilinis at maaalis ang sagabal at pangit. Paglipas ng araw nagbabalikan na uli. Di naman natin masisi mga yan dahil wala talaga silang matitirahan at pagkakakitaan kundi dun sa sementeryo. Mabuti nalang dun at tago. Kesa naman sa bangketa sila magtayo ng bahay e pangit lalo dahil nakikita ng mga tao at dumaraan na sasakyan. Basta maging malinis lang sila sa lugar ok na. – Juan po.

Wag mangamba sa presensiya ng pulis
at militar sa mga unibersidad
Anubayan? Walang magulang na magnanais magamit, mapagsamantalahan at mapariwara ang kanilang mga anak na inaakala nilang payapang nag-aaral kung kaya’t walang dahilan para mangamba sa presensya ng pulis at sundalo sa mga paaralan. Matagal nang nasa paligid ang pulis at sundalo, bakit ba tayo matatakot sa sundalo at pulis?, samantalang hinahayaang magrekruit, manloko at manamantala ang NPA at mga kasabwat nito partikular na ang Makabayan Bloc na ni hindi kayang itakwil ang mga ilegal na gawain ng kanilang armadong galamay. Triggered ang mga estudyante, alumna at ilang nakikisawsaw pero kung iisipin at aalisan ng politikal na usapin,trabaho at responsibilidad naman talaga ng security forces na siguruhin ang kapayapaan at katahimikan ng bawat komunidad at wala itong pinagkaiba sa komunidad ng mga paaralan. May sapat na basehan at pinag-aralan ang hakbang na ito ng DND. 31 taon pinagbigyan subalit inabuso at hindi ginamit ng tama kaya’t nararapat nang supilin at sawatahin – Don Antido, PUP