Advertisers

Advertisers

Patay na nga ba ang sikat na gambling lord ng CL?

0 437

Advertisers

USAP-USAPAN ngayon sa larangan ng mga “underground” na sugal na yumao na ang pinakasikat na gambling lord sa Central Luzon.

Matagal na raw itong pumanaw, sabi ng isang beteranong radio/TV broadcaster na malapit sa misis ng nabanggit na gambling lord.

Maging sa kanilang balwarte ay pumutok narin noon ang pagyao ng gambling lord na ito. Pero bigla lang namatay ang isyu.



Itinago raw ng pamilya ang pagkamatay ng kanilang patriarch para hindi maapektuhan ang takbo ng kanilang iligal na kabuhayan at manatili ang impluwensiya nito sa mga otoridad at maging sa mga opisyal ng gobyerno.

Kung totoo ito, nasayang lang pala ang mga banat sa kanya ng isa pang sikat na gambling lord sa Metro Manila. Hehehe…

Anyway, wala naman tayong masamang tinapay sa “yumaong” GL. “Diyos” siya sa kanilang lalawigan. Nagtataka lang tayo kung bakit itinago sa publiko ang kanyang pagyao (kung namatay nga).

***

Patong patong na ang problema ng mga Pinoy. Mahirap na itong resolbahin ng kasalukuyang administrasyon na 17 buwan nalang ang termino sa kanilang kapangyarihan.



At hindi rin ito basta mareresolba ng sunod na gobyerno kung basta-basta lang din ang papalit na Pangulo sa 2022.

Ano-anong problema ba ang kinakaharap natin nga-yon? Bukod sa pandemya sa COVID-19 na hindi alam ng gobyerno kung paano labanan, nandiyan ang pagtaas ng mga bilihin na mismong ordinaryong isda, karneng baboy at manok ay mas mataas pa sa daily rate ng suweldo. Kaya nga hinihikayat nalang natin ang mga ordinaryong manggagawa na matoto nang magtanim ng mga gulay sa kanilang bakuran, kahit sa paso; at mag-alaga ng kahit manok na 45 days, para hindi na pumunta ng palengke.

Ang pinakamalaking problema na kakaharapin ng su-nod na administrasyon ay ang napakalaking utang na ginawa ng kasalukuyang gobyerno. Higit 10 trillion na!

Bababa ang administrasyong Duterte na bangkarote ang kaban ng bansa. “Napakarami kasing korap”, sabi ng bete-ranong kolumnista na si Mon Tulfo sa kanyang kolum few months ago.

Dagdag pa ang problemang pag-angkin na ng Tsina sa ilang isla ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Speaking of WPS, umalma uli ang alkalde ng Kalayaan town sa Palawan matapos magsumbong ang kanilang mangingisda na hinaharang at itinataboy sila ng Chinese Coast Guard kapag nangingisda sila sa karagatang sakop naman talaga ng Pilipinas.

Ang Chinese military ships ay may order mula sa kanilang gobyerno na barilin ang mga barko na dumadaan sa WPS.

Sabi ni Kalayaan Mayor Roberto del Mundo, sa tuwing magpulong sila ng mga opisyal ng AFP at talakayin ang problema ng kanilang mga mangingisda ay sinasabihan lang sila na manahimik nalang para walang gulo.

Naging agresibo ang Chinese govt. sa pagsakop sa karagatang bahagi ng Kalayaan simula nang maupo si Pangulong Duterte na tila ipinauubaya na sa Tsina ang mga pinaglalabanang isla sa WPS.

Ang WPS ay napanalunan na ng Pilipinas sa international court noong panahon ni Pangulo Noynoy Aquino.

Mapapalayas lamang siguro ang Chinese battle ships sa WPS pag nagkaroon ng seryoso at maprinsipyong Presidente ang Pilipinas sa 2022. Mismo!