Advertisers

Advertisers

NPA pumalag sa warrant of arrest, patay

0 452

Advertisers

TODAS sa operasyon ng militar ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang manlaban sa Barangay Palacian, San Agustin, Isabela.
Sa isang joint operation ng 86th Infantry Battalion ng Philippine Army at mga tauhan ng San Agustin Police Station, naghain ang mga ito ng warrant of arrest laban kay Renato Busania alyas Andong na kinikilalang staff member, head training ng Regional Operations Command ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV) ng NPA.
Si Busania ay nahaharao sa kasong double murder sa pagpatay kina Joseph Daulayan ng Barangay Tucod at Dominado Binnang ng Barangay Debibi, Cabarroguis Quirino noong July 2000.
Habang naghahain ng warrant of arrest, nanlaban umano si Busania dahilan para mapatay ito.