Advertisers
Bakit ganito ang title?
Tugon ni John, “Not Superman, it’s a song about heroes.”
Idinagdag niyang hindi natin kailangang maging si Superman para maging superhero at makatulong sa ibang tao.
Isinulat at ipinrodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo, ang alternative pop track ay inilalarawan ang mga mala-superherong pagsisikap ng mga tao na makatulong sa kanilang kapwa, sa kabila ng maraming limitasyon.
Bida sa kanta ang baritone na boses at rapping skills ng Star Music artist na si John, na kaiba sa tema at tunog ng single niyang Think About It na inilabas noong 2019.
Sa parehong taon din nang manalo siya ng PMPC Star Award for Folk/Country Recording of the Year para sa debut single niyang Star All Over Again na isinulat at ipinrodyus din ni Jonathan sa ilalim ng Star Music.
Sa kabila ng pandemya, busy si John sa pagpo-promote ng latest single niyang Not Superman.
Para sa kanya, itong pandemic na nararanasan natin ngayon ay hindi pa maituturing na worst at nasambit ni John na umaasa siyang matatapos na ito very soon.
Maliban sa pagiging singer/composer, marami palang talent si John. Painter din pala siya plus isa ring actor. Lumabas na si John sa mga pelikulang Sindak (1999), Madaling Mamatay, Mahirap Mabuhay (1996), at Whistleblower (2016), na nakasama niya ang malapit na kaibigan at manager, ang nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor.
Pakinggan ang Not Superman ni John simula ngayong Biyernes (January 29) sa iba’t ibang digital music streaming platforms tulad ng Spotify, Amazon, iTunes Apple, Youtube, and all digital social media platforms.
Abangan din ang official music video nito sa February 1 (Lunes) sa Star Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).