Advertisers

Advertisers

Mga baboy lumutang sa karagatan ng Oriental Mindoro

0 318

Advertisers

PINAIIMBESTIGAHAN na ni Naujan, Oriental Mindoro Mayor Mark Marcos kung saan nagmula ang mga baboy na natagpuan sa dalampasigan ng Barangay Estrella.
Ayon kay Mayor Marcos, nagpasaklolo sila sa Provincial Veterinary Office (PROVET) dahil sa pangambang may sakit ang mga natagpuang baboy.
Mahigpit, aniya, ang kanilang pag-iingat dahil wala pang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang lugar.
Agad namang inatasan ni Oriental Mindoro Gov. Bonz Dolor ang PROVET na magbigay ng technical assistance para sa mga kinakailangang hakbang sa disposal ng mga patay na baboy.
Pinapayuhan naman ng mga opisyal ang publiko na huwag tangkaing katayin at kainin ang mga natagpuang baboy upang makaiwas sa sakit.
Maliban sa Naujan, may kahalintulad naring pangyayari ng mga nakalutang na baboy ang namataan sa bayan ng Pola.