Advertisers

Advertisers

Lovely Abella ikinasal na sa anak ni Jose Manalo

0 245

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES
DALAWANG linggo na lang at mapapanood na muli ang pasiklaban ng aspiring Bida Kids sa singing competition ng GMA Network na ‘Centerstage’.

Excited na ang netizens at usap-usapan na sa social media ang pagbabalik nito. Talagang nabitin daw kasi ang mga manonoood nang matigil ang show last year dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

Kaabang-abang ang comeback ng programa lalo na’t ibibida na ng Centerstage ang makabago nitong virtual set! Para sa kaligtasan kasi ng mga contestant at production team, wala pa ring live audience at ishu-shoot ang kanilang performances sa kani-kanilang mga bahay.



Kaunting antay na lang at mapapanood na ang mas pinabonggang ‘Centerstage’ sa GMA-7 ngayong Pebrero 7 na.

 ***

GANAP na Mrs. Manalo na ang Bubble Gang star na si Lovely Abella! Ikinasal na sila ng actor-comedian na si Benj Manalo na anak ng TV host-comedian na si Jose Manalo, sa isang garden-themed wedding sa Quezon City.

Inanunsyo ito ng aktres sa kanyang Instagram post na kita ang kanilang naging intimate na ceremony. Bumuhos naman ang mga pagbati sa comments section niya. Ilan sa well-wishers ang kapwa Kapuso stars ni Lovely na sina Primetime Queen Marian Rivera, Carla Abellana, Iza Calzado, Barbie Forteza, Rodjun Cruz, Rita Daniela, at mga kaibigan at katrabaho ni Lovely sa Bubble Gang na sina Kim Domingo, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, at Arny Ross.

Samantala, patuloy ring napapanood si Lovely sa ‘Ladies Room’ segment ng GMA Entertainment comedy channel na YouLOL.