Advertisers
MULING ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglabas ng mga batang edad 10 hanggang 14-anyos simula Pebrero sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Sa kanyang public address nitong nagdaang gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat manatili na lamang ulit sa loob ng kani-kanilang mga tahanan ang mga batang napapabilang sa naturang age group.
Ito ay matapos na matuklasan kamakailan na tatlo sa 17 na nagpositibo sa UK variant ng novel coronavirus sa Pilipinas ay pawang mga menor de edad.
“Pasensya na po kayo, mine is just a precaution. Takot lang ako kasi itong bagong strain strikes the young children. Itong original na COVID, hardly if at all, na wala kang marinig na bata.
Mayroon one or two, and you can count it by the fingers on your hands kung ilang mga bata ang tinamaan.
Hindi naman vulnerable but the infection is not easily acquired. ,” ani Pangulong Duterte.
Mismong si UK Prime Minister Borris Johnson na rin aniya ang nagsabi na walang pinipiling edad ang bagong variant ng novel coronavirus.
“It does not any cut off their. Just to be sure, and the desire to protect the people, napilitan akong i-reimpose iyong 10 to 14. Not in this time,” dagdag pa nito.
Hinihilinh ng pangulo ang pag-unawa ng mga magulang dahil sa sakripisyong ito.
Tatagal aniya ang direktiba niyang ito hanggang sa matiyak na ligtas na ang lahat kontra COVID-19 sa pagdating ng mga bakuna para rito.
Enero 22 nang inanunsyo ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 17 ang bilang ng mga nagpositibo sa bagong variant ng novel coronavirus, na nagmula sa United Kingdom at sinasabing mas nakakahawa kumpara sa orihinal na strain.
Umabot kasi sa 16 ang bagong kaso na naitala noong araw na iyon na may kaugnayan sa UK variant, kung saan 12 rito ay sa Bontoc, Mountain Province.
Bago lumobo ang mga naitalang kaso nang UK variant, inanunsyo ng IATF-EID ang kanilang pagpayag sa paglabas ng mga batang edad 10 hanggang 14 sa mga MECQ areas simula Pebrero.
Nauna nang umapela ang ilang mga sektor na payagan ang mga kabataan na makalabas para makatulong sa pagbangon ng ekonomiya, makalipas ang halos isang taon nang unang sumailalim sa lockdown ang bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.
Sa mga huling kaganapang ito, hindi natin masisisi si Tatay Digong kung magiging “over-protective” ito sa mga kabataan ng ating bansa.
Kung sa pananaw ng mga krito ng administrasyon na atras-abante ang stand ng Presidente sa isyu ng pagluluwag sa restrictions ng mga menor de edad nating mga kababayan at sa mga senior citizens ay dahil na rin sa kapakanan nating lahat.
Again, we don’t agree in most of our President’s decisions pero this time around ay lubos po nating sinusuportahan at kinakatigan ang kanyang pahayag at desisyon.
Ito po kasi ay naka-base sa buong kapakanan ng sambayanang Pilipino.
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com