Advertisers

Advertisers

‘Di raw sinabi ang relasyon kay Raymart… Claudine inamin, sumama ang loob kay Jodi

0 219

Advertisers

NI JULIET PACOT
WALA sa bokabularyo ni Claudine Barretto na guluhin ang relasyon ng dating asawang si Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Claudine kasunod ng kuwentong tinawagan daw siya ni Jodi para pag-usapan ang relasyon ng ex-husband sa aktres.
Ang totoo pala, ayon kay Claudine, siya ang tumawag kay Jodi at kinuha niya ang numero nito kay Raymart.
 At dahil close naman daw si Claudine kay Jodi, wala namang sigalot na namagitan sa dalawa.

.Nagkasama sina Claudine at Jodi sa 2007 Kapamilya teleseryeng Walang Kapalit.

Sinabi ni Claudine, “I was very very close to Jodi. That’s why I really felt so bad na hindi niya sinabi.

“Ang ginawa ko, kinuha ko ang number niya kay Raymart, ako ang tumawag sa kanya. Nagkausap kami.”



Maayos daw ang naging pag-uusap nila ni Jodi pero inamin ni Claudine na masama ang loob niya kay Raymart dahil mayroon daw itong ipinangako na hindi natupad.

Ani Claudine, “Maayos yung pag-uusap namin. Until meron akong isang hiniling sa kanila na umoo siya.”
Dalawa ang anak nina Claudine at Raymart, sina Sabina at Santino.

Pero hangad pa rin daw ni Claudine ang kaligayahan nina Raymart at Jodi.

“In all ano talaga… happiness lang talaga ang ano ko sa kanila. I think everybody deserves to be happy.

“Kahit hindi kami nagkakasundo ni Raymart. At the end of the day, I want them to be happy.

“Kasi, at the end of the day, he’s still the father of my children.”



May gustong tumbukin si Claudine at ‘yun ang hindi yata pagsunod ni Raymart sa napag-usapan nilang suporta para sa mga anak. Hindi umano  nagagawa ni Raymart ang responsibilidad nito sa kanilang mga tsikiting.

“And ang akin lang, huwag lang niyang kalimutan ang mga responsibilidad niya.

“Kasi, medyo hindi niya nagagawa yung dapat niyang gawin, e. Hindi siya sumusunod, e. Yun lang naman ang akin.

“Kung anong meron sila sa buhay nila, okay, go. Huwag lang niyang kalimutan ang obligasyon”.