Advertisers

Advertisers

DAR official na dumalo sa seminar nagpositibo sa COVID-19

0 308

Advertisers

NAGPOSITIBO umano sa Covid-19 ang isang opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) na dumalo umano sa isinagawang seminar sa isang hotel sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ayon sa isang public relation officer ng SBMA na tumangging magpabanggit ng kanyang pangalan.
Sa isinagawang cellphone interview sinabi ng naturang public relation officer ng SBMA ang naturang opisyal ng DAR na nagpositibo umano sa COVID-19 ay mula sa Luzon at nakumpirma ito matapos isagawa ang swab test sa naturang opisyal.
Ayon pa sa officer ng SBMA ang naturang opisyal ng DAR na nagpositibo sa COVID ay agad isinailalim sa quarantine sa ibang hotel bilang health protocol.
Kaugnay nito nauna rito dumalo ang mga matataas na official ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa isinagawang Planning and Assessment seminar sa isang hotel sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) nitong nakalipas na Linggo ng gabi Enero 24, 2021 na pinangunahan ng secretary ng DAR na si Sec. John Castriciones at iba pang matataas na opisyal ng ahensya.
Sinabi pa ng public relation officer ng SBMA na sumunod naman umano ang mga dumalong opisyal ng DAR sa minimum health protocol na ipinatutupad at ipinag-uutos gaya ng swab test, paglalagay ng face mask at face shield na aabot ang mga opisyal na dumalo sa mahigit sa 100 opisyal.
Samantala kaugnay nito malaking kuwestyon ngayon ay kung wala bang nalabag na ipinatutupad na health protocol ng gobyerno ang mga opisyal ng DAR matapos ang kanilang isinasagawang seminar sa SBMA dahil sa pagdaraos ng seminar ng mahigit sa 100 katao na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng mga malalaking gathering at event sa panahon ng pandemya.
Kaugnay nito sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng Department of Agrarian Reform (DAR) hinggil sa naturang isyu, subalit hindi sumasagot sa text message at hindi matawagan ang director ng DAR na si Cleon Lester Chavez ang director ng Public Assistance and Media Relations Service (PAMRS) ng DAR. (Boy Celario)