Advertisers

Advertisers

Dalaga, 21, ginagahasa ng CAFGU kapalit ng P100

0 285

Advertisers

ARESTADO ang isang Philippine Army reservist sa kasong panggagahasa sa 21-anyos na babaeng may kapansanan sa pag-iisip sa bayan ng Banga, Aklan.
Kinilala ang inaresto na si Benjamin Braulio, 56, sa bisa ng warrant of arrest na inihain ng 6th Judicial Region Branch 6 noong Enero 25 sa Barangay Mambong.
Walang inirekomendang bail ang korte.
Bukod sa pagiging Army reservist, appointed barangay tanod din sa kanilang lugar si Braulio.
Ayon sa imbestigasyon ng Banga Police, nangyari ang krimen noong Enero ng nakaraang taon. Kapitbahay ng suspek ang biktima.
Sa report, nag-iigib ang biktima nang sapilitang dinala ni Braulio sa isang kulungan ng baboy at doon hinalay.
Napag-alaman rin na hindi lang isang beses ginawa ng suspek ang panghahalay sa dalaga.
Binibigyan umano ng suspek ng P100 ang biktima upang hindi magsumbong.
Pero kalaunan, nalaman ng pamilya ang nangyari sa dalaga kaya nagsampa na sila ng kaso.