Advertisers
NASAWI ang dalawang tao at apat ang sugatan sa pagsabog sa loob ng ticketing booth ng mga bus sa Cotabato nitong Miyer-kules ng tanghali.
Kinilala ang mga nasawi na sina Gina Paunon, 53, may asawa, ng Barangay Cajelo, Tulunan, North Cotabato; at Ryan Panibayo ng Barangay Nabundasan, Tulunan.
Sugatan naman sina Rodel Secur, 24; Kent Lloyd Sendero, 19; Eduard Odango; at Retchie Pedroso, 32.
Ayon sa ulat, sumabog ang hindi pa matiyak na bomba sa ticketing booth at tinamaan ang isang unit ng Yellow Bus Line na may body number 2988 sa bahagi ng national highway sa Barangay Sibsib, Tulunan.
Dinala ang mga biktima sa SMMC Hospital sa bayan ng Tulunan ngunit binawian ng buhay si Paunon na nagtamo ng matinding tama mula sa bombang sumabog.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at militar sa insidente.